Tuesday , February 7 2023
Arrest Posas Handcuff

Most wanted ng DILG Dating parak timbog

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang dating pulis na nasa talaan ng Most Wanted Persons ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Enero.

Magkakatuwan na nagsagawa ng manhunt operation ang ang magkasanib na mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 7, Pulilan MPS, RIU3, RIU- NCR at iba pang konsernadong yunit sa Bgry. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Arestado ang suspek na kinilalang si SPO1 William Reed, dating miyembro ng PNP, 57 anyos, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong double murder na inilabas ni Judge Rodolfo Ponferrada, may petsang 25 Mayo 2001 at walang itinakdang piyansa.

Nabatid na nakatala si Reed  sa National Most Wanted Person ng DILG at may nakalaang P250,000 monetary reward para sa kanyang pagdakip.

Pahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, ang intelligence build-up effort at kampanya ng kapulisan laban sa mga  wanted persons  ay pinaigting  kabilang ang sa mga police scalawags  na nararapat lamang na ikulong sa rehas na bakal para pagdusahan ang kanilang mga ginawang krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Mental Health

Mental health offices sa SUCs mungkahi ng mambabatas

BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng mental health issues sa mga mag-aaral na Filipino, itinutulak …

Money Bagman

Kapalaran ng MIC-MIF nasa ng economic managers ni Marcos

IGINIIT ni Senador Francis “Chiz” Escudero, nasa kamay ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos, …

dead gun

Nang-agaw ng baril sa estasyon,
KAWATAN TIGBAK SA PARAK

NAPASLANG ng mga awtoridad ang naarestong hinihinalang kawatan na nanloob sa isang bakery, nang mang-agaw …

Bukluran ng Manggagawang Pilipino BMP

Sa ika-9 na Kongreso
KRISIS LABANAN, PAMBANSANG KALIGTASAN ISULONG — BMP

MAHIGIT 200 delegado mula sa buong kapuluan ang nagtipon sa Baguio City noong 28-29 Enero …

P18-B Isabela Solar Power Project

P18-B Solar Power Project sa Isabela, OK kay FM Jr.

MALUGOD na tinanggap ni Pangulong R. Ferdinand Marcos, Jr., ang P18-bilyong Isabela Solar Power Project, …