Thursday , December 18 2025

Blog Layout

Angel, pagtutulungan daw nina Marian at Jen (Quantity ang usapan, ‘di quality sa paggawa ng serye)

  “NAGHINTAY din ako. Hindi naman quantity ang usapan dito kung hindi quality. Very hungry po ako sa napakagandang istorya. Kasi sayang naman ‘yung pagkakataon kung ang lahat ng trabaho ay gagawin natin pero ‘di ka naman naniniwala sa proyekto,” ito ang paliwanag ni Angel Locsin sa tanong kung bakit tatlong taon siyang walang soap opera sa ABS-CBN. Dagdag pa …

Read More »

Bunsong kapatid ni Regine, nanglalait ng fans?

NAGSUMBONG sa amin ang ilan sa fans/supporters ni Regine Velasquez. Nilalait daw sila ng nakababatang kapatid ng Asia’s Songbird na si Dianne Roque. Ayon sa fans, kung ano-anong masasakit daw na salita ang sinasabi nito  laban sa kanila na isina-shout-out sa Facebook kaya nababasa nila since friend nila ito. Ipinakita nila sa amin ang pruweba ng shout out ni Dianne …

Read More »

Lloydie, tikom ang bibig sa sampalan issue with Anne

SA kauna-unahang pagkakataon, sa isang interview ni John Lloyd Cruz ay nagbigay na siya ng pahayag tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya noong nakaraang taon sa isang bar, ang pananampal at paninigaw sa kanya ni Anne Curtis at sa dalawa pa niyang kaibigan. Pero matipid lang ang naging pahayag ng mahusay na aktor at hindi naman niya inamin kung totoo ngang …

Read More »

Gerald, nae-excite kay Anne

HINDI talaga mawala-wala ang excitement ni Gerald Anderson dahil siya ang napiling maging leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel ng ABS-CBN. Ito ‘yung role na Fredo na famous character na nasa orihinal na kuwento ni Uncle Mars Ravelo, ang lalaking minahal ni Dyesebel mula sa mundo ng mga tao. Pero may kasamang kaba ang excitement ni Gerald, lalo pa …

Read More »

Jef Gaitan, babawasan ang pagpapa-sexy (Dahil sa ABS-CBN Sports+Action)

KILALA ang dating reality TV contestant na si Jef Gaitan sa pagpapa-seksi sa magasin at sa TV. Pagkatapos ng kanyang pagsali sa Survivor Philippines sa GMA, naging model si Jef sa mga magasing panlalaki tulad ng FHM at gumawa siya ng ilang mga TV project sa GMA at TV5. Kamakailan ay isinama si Jef sa Banana Nite ng ABS-CBN na …

Read More »

Sunshine, posibleng masolo ang responsibilidad sa mga anak (Ngayong ibinigay na ng korte ang full custody)

MAY mabigat na responsibilidad ang pagkakabigay ng korte ng full custody ng kanyang mga anak kay Sunshine Cruz. Of course happy siya, dahil legal na dapat na sa kanya ang mga anak, at okey lang naman na dalawin sila o mahiram ng kanilang ama mula sa kanya, kaya lang dapat paghandaan ni Sunshine ang katotohanan na maaaring mangahulugan iyon na …

Read More »

Robin, namudmod ng datung sa mga taga-Corregidor

SUMAMA kami sa Corregidor sa aking Kumareng Rein Escano dahil sa proyektong ginagawa nito na may kinalaman sa travel. Nabalitaan namin sa ilang tauhan ng Corregidor, na hitik na hitik sa mga kuwento tungkol sa giyera, hanggang sa last Japanese straggler, pati na sa Jabidah Massacre at ilang indie films na ginawa roon gaya ng Babae sa Guho ni Alessandra …

Read More »

Gusto nang magkapamilya?

Hahahahahahahahahahahaha! Nakatatawa naman ang eksena these days ng isang appetizing to look at singer/actor na napapabalitang seryoso na raw sa pakikipagrelasyon sa isang petite songbird. Imagine, dati-rati, laman ng mga juicy blind items ang succulent sex life ng balladeer na mas-yado raw dick-oriented. Masyadong dick-oriented daw talaga, o! Harharharharharhar! Anyway, usap-usapan sa ngayon ang kanyang nakapagpapataas ng kilay na paki-kipagrelasyon …

Read More »

Ang ‘Napoles Agimat’ ni daddy ipinasa kay dayunyor (Like father like son)

ANG tawag na raw talaga ngayon sa ‘Plenary Hall’ ng Senado, na minsang minarkahan ng mga tunay na statesman na sina Claro M. Recto, Lorenzo Tañada, Jose W. Diokno at iba pang lumikha ng kasaysayan sa Philippine politics, ay “ENTABLADO NG KASINUNGALINGAN.” Mantakin n’yo naman, palagay natin ay ‘matikas’ ang pinaghiraman ng ‘kapal ng mukha’ ni Senator BONG REVILLA dahil …

Read More »

David Tan, Davidson Bangayan iisang tao (Idiniin ni De Lima sa Senado)

nina CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN SA pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima ang posisyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lang ang negosyanteng si Davidson Bangayan at si David Tan na isinasangkot sa rice smuggling. Ipinaliwanag ni De Lima na ibinatay ng NBI ang pahayag sa parehong address nina Bangayan …

Read More »