Wednesday , December 17 2025

Malalaking artista nakiisa sa Gabay Guro ng PLDT Smart Foundation  

Gabay Guro PLDT Smart Foundation  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PASABOG pa rin ang Gabay Guro ng PLDT-Smart Foundation kahit may pandemic pa. Ganoon na lamang talaga ang pagmamahal nila sa mga guro kaya naman tiniyak nilang tuloy pa rin ang saya this year.  Malalaking celebrities pa rin ang naging parte ng selebrasyon sa Gabay Guro Grand Gathering 2022 noong October 15.  May temang The Filipino Teacher: Our Pride, Our Purpose, Our …

Read More »

Jessa ng The Pretty You isinauli Mrs Universe Philippines crown

Jessa Macaraig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “HINDI align sa prinsipyo ko ang sistema nila.” Ito ang ibinigay na katwiran sa amin ng kinoronahang Mrs Universe Philippines na si Jessa Macaraig kamakailan na nagbalik ng korona sa Mrs Universe Philippines Organization dahil katwiran niya ang dangal ng isang pagiging babae ay hindi nabebenta o nabibili. Itinanghal na Mrs Universe Philippines si Jessa na makikipag-compete sana sa Mrs Universe Pacific sa …

Read More »

FILIPINO INVENTORS SOCIETY 79TH FOUNDING ANNIVERSARY.

Fely Guy Ong FGO Krystall FIS Feat

Ipinagdiwang ng Filipino Investors Society (FIS) ang kanilang 79th founding anniversary sa pangunguna ni President Ronald Pagsanghan kasabay ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) kina Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum Jr., at sa Fil-Am Chamber of Commerce na ginanap sa Maynila Ballroom, The Manila Hotel, One Rizal Park, Ermita Maynila.          Kasamang …

Read More »

Anas, Sali magkasalo sa top honors sa 2022 National Executive Chess Championship -South Luzon leg tilt

Sali Anas Luanzon Chess

Final Standings: (6 Rounds Swiss System) 5.0 points—Bong Anas, NM Zulfikar Sali 4.5 points—Arjoe Loanzon 4.0 points—Lloyd Lanciola, Freddie Talaboc, Bren Sasot, Florel Cruz, Arvin Betonio, Jefferson Pascua 3.5 points—Robert Arellano SARDINIA, ITALY —Tinalo nina Bong Anas ng Iloilo City at National Master Zulfikar Sali ng Zamboanga City ang kani-kanilang huling nakalaban para magsalo sa top honors sa katatapos na …

Read More »

Nouri nakatutok sa First IM Norm

World Junior Chess Championship 2022

SARDINIA, ITALY — Nakatutok si Filipino Fide Master (FM) Alekhine Fabiosa Nouri sa kanyang unang International Master (IM) norm sa pagpapatuloy ng World Junior Chess Championship 2022 na ginaganap sa Club Esse Palmasera Resort, Cala Gonone, sa Sardinia, Italy. Ang 79th seeded Nouri (Elo 2251) ay nakipag-draw kay 33rd seed Antoni Kozak (Elo 2440) ng Poland sa 56 moves ng …

Read More »

FM Alekhine Fabiosa Nouri panalo sa Round 4 sa World Junior Chess Championship sa Sardinia, Italy

Alekhine Fabiosa Nouri Fayzan Momin

ni Marlon Bernardino SARDINIA, ITALY — Giniba ni FIDE Master Alekhine Fabiosa Nouri ng Filipinas kontra Fayzan Momin ng Pakistan, matapos ang fourth round ng World Junior Chess Championship 2022 Biyernes, ginanap sa Club Esse Palmasera Resort sa Cala Gonone sa Sardinia, Italy dito. Ipinakita ng 16-anyos na si Nouri,  Grade 10 student ng La Concepcion College, City of San …

Read More »

Kawatan tinangkang habulin Nursing student patay

gun dead

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang nakapatay sa isang 18-anyos nursing student nitong Sabado ng madaling araw, 15 Oktubre, sa Brgy. Buaya, lungsod ng Lapu-lapu, lalawigan ng Cebu. Kinilala ang suspek na si Rodel Cuizon, 42 anyos, at residente sa nasabing lugar habang ang biktima ay kinilalang si Johanna Xyrra Selim, 18 anyos, residente sa Brgy. Tayud, Liloan, …

Read More »

Na-trap sa loob ng binahang bahay lalaki sa Cagayan sinagip ng pulisya

flood baha

INILIGTAS ng mga pulis ang isang residenteng na-trap sa loob ng sariling bahay dahil sa bahang dulot ng malakas na pag-ulan sanhi ng bagyong Neneng sa Brgy. Dibalio, bayan ng Claveria, lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo, 16 Oktubre. Gumamit ng lubid ang mga tauhan ng Claveria MPS upang masagip mula sa baha ang 50-anyos residente, kinilala sa pangalang Randy na …

Read More »

Malawakang pagbaha dulot ng bagyong Nene
23,000 INDIBIDWAL INILIKAS SA CAGAYAN

bagyo

SUMAMPA sa 22,794 katao o nasa kabuuang 6,731 pamilya ang inilikas sa probinsiya ng Cagayan dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng hagupit ni bagyong Neneng. Ayon kay Cagayan PDRRMO Chief Ruelie Rapsing, nasa 17 munispalidad at 86 barangays ang apektado ng pagbaha. Kabilang sa mga bayang lubog sa baha ang Ballesteros, Lal-lo, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Santa Ana, Lasam, Baggao, Santa …

Read More »

Sa Calasiao, Pangasinan
NIGERIAN TODAS SA PAMAMARIL

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national matapos barilin ng mga suspek na sakay ng kotse habang naglalakad sa Brgy. Mancup, bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 15 Oktubre. Kinilala ng PRO-1 PNP ang biktimang si Christopher Clark, 32 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Malabago, sa naturang bayan. Ayon sa paunang ulat ng pulisya, naglalakad sa gilid ng …

Read More »

Estudyante minolestiya, kinunan ng video Guro dinakip sa Bulacan

Sextortion cyber

INARESTO ng mga awtoridad ang isang guro matapos akusahan ng kanyang estudyante ng pangmomolestiya at pagbabanta sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Mark Matthew Calimlim, 29 anyos, high school teacher, at residente sa Sapang Palay, sa nabanggit na lungsod. …

Read More »

Gob. Daniel Fernando, Civil Society Organizations sa PDC Full Council Meeting

Daniel Fernando Civil Society Organizations

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong kinatawan ng Civil Society Organizations sa lalawigan sa isinagawang PDC Full Council Meeting kasama ang Provincial Planning and Development Office, mga alkalde ng mga bayan at lungsod, at iba pang mga ahensiya sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Read More »

Tara Game, Agad Agad Level Up, mapapanood na  

Tara Game, Agad Agad

NGAYONG araw October 16, abangan ang mas pinabongga at pinagandang season ng pinaka-Tara Game, Agad Agad. Magbabalik bilang game master si Aga Muhlach.  Ayon kay Aga, excited siya sa bagong season na ito. Sa isang video, sinabi ni Aga, “I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung ‘Tara Game, Agad agad.’ It’s been my favorite …

Read More »

Sa Bulacan
ILEGAL NA MINAHAN SINALAKAY, 9 TIMBOG

arrest, posas, fingerprints

KAUGNAY sa pinaigting na kampanya laban sa illegal quarrying at illegal mining sa Bulacan, nasakote ang siyam na indibiduwal sa isinagawang anti-illegal quarrying operations ng mga awtoridad sa lalawigan nitong Miyerkoles, 12 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inilunsad ang operasyon dakong 11:40 ng umaga kamakalawa ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office …

Read More »

Sa Bulacan
8 TULAK, 12 SUGAROL, GUN LAW OFFENDER NAIHOYO

Bulacan Police PNP

Matapos ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, sunod-sunod na nadakip ang walong hinihinalang tulak, isang illegal gun owner, at 12 sugarol nitong Martes, 11 Oktubre. Iniulat ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagresulta ang ikinasang anti-drug buybust operation ng San Jose del Monte CPS sa pagkakaaresto ng mga pagkaaresto suspek na kinilalang si Laurente …

Read More »