Wednesday , June 19 2024
Andrea Brillantes Ricci Rivera BlackPink

Andrea sa promprosal kay Ricci — ako po dapat dahil ako yung artist ng Star Magic

MA at PA
ni Rommel Placente

SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa kanyang promposal kay Ricci Rivero.

Naganap ang promposal ni Andrea kay Ricci sa mismong concert ng K-pop group na BLACKPINK na ginanap sa Philippine Arena noong Linggo ng gabi.

Binasa nina Rosé at Lisa, dalawang miyembro ng BLACKPINK ang nakasulat sa placard: “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Komento ng basher, “Baliktad na pla ngayon panahon. Babae na nagyaya [lauging emoji].”

Ipinaliwanag ni Andrea kung bakit siya ang nagyaya sa boyfriend na si Ricci na maging ka-date sa Star Magical Prom sa March 30, 2023.

Paliwanag niya, “It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic [smiling emoji]”

Dagdag pa ng Kapamilya star, panahon na rin upang ihinto ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move sa lahat ng bagay, gaya nga ng promposal.

Sabi ni Andrea: “Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances [raising both hands in celebration emoji]”

About Rommel Placente

Check Also

Andrea nagpagulong-gulong at umiyak, picture pinusuan ng Koren star 

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ni Andrea Brillantes pagkatapos i-heart ng isang Korean star ang litrato …

Liza Soberano Julia Barretto Kathryn Bernardo

Liza at Julia ‘di issue mag-unfollow man kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit parang issue pa na nag-unfollow si Liza Soberano at Julia Barretto kay Kathryn …

Maine Mendoza TV5

Maine Mendoza ‘di binastos nagpakuha ng selfie

HATAWANni Ed de Leon BINANATAN ng isang netizen si Maine Mendoza dahil nagpa-picture nga raw iyon pero hindi …

Jhong Hilario Vhong Navarro Ogie Alcasid Vice Ganda

Ogie, Jhong, Vhong ‘nakakanti’ rin ni Vice Ganda

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung paanong natatagalan ng mga kasama niya sa show si Vice …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian tagos sa puso mensahe kay Dingdong sa Father’s Day 

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLE pero tagos sa puso ang mensahe ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes sa Facebook nito …