Sunday , May 28 2023
Kathryn Bernardo Dolly de Leon

Kathryn bibida sa A Very Good Girl kasama sa Dolly de Leon

MA at PA
ni Rommel Placente

INANUNSIYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa siya ng pelikula kasama ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon

Ang title ng pelikula ay A Very Good Girl mula sa Star Cinema. Isa itong dark-comedy film na pamamahalaan ni Direk Petersen Vargas.

Sabi ni Kathryn, “My first project with Star Cinema this will be happening this year.

“We will be start filming this 2023 very, very soon… the final title for my movie this 2023 is A Very Good Girl under Star Cinema.

“It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Kathryn at Dolly. 

Ayon sa ka-loveteam at girlfriend ni Daniel Padilla, nagkasama na sila noon ni Dolly sa isang proyekto ngunit matagal na itong panahon kaya naman ngayon ay mas excited siyang makita at muli itong makatrabaho.

Aniya, “For sure, marami akong matututunan sa kanya.

“I can’t wait to meet her again. Kasi sabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa.

“But that was very short lang.”

“Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya.

“What a great honor na gumawa at mabigyan niya ako ng oras,” masayang sabi pa ni Kathryn.

Si Direk Petersen ay first time namang makakatrabaho ni Kathryn. Siya mismo ang pumili rito para magdirehe ng pelikulang pagbibidahan nila ni Dolly.

I personally picked him because I see so much potential in him. 

“I’ve seen so many of his projects and I just feel like noong sinabi ko na siya ‘yung napili ko na final when I called our producer, parang feeling ko it felt right.

“I feel he’s the perfect director to guide me in this movie.

“I’m really excited na makatrabaho siya for the first time.”

About Rommel Placente

Check Also

Bruno Mars

Bruno Mars espesyal sa Pinoy, concert sa Phil Arena inaabangan

RATED Rni Rommel Gonzales ESPESYAL sa mga Pinoy si Bruno Mars at espesyal din ang mga Pinoy …

Valerie Concepcion Heather Fiona

Valerie nasaktan nang hanapin ni Fiona ang ama

RATED Rni Rommel Gonzales DALAGA pa lang noon si Valerie Concepcion ay naging ka-close na namin kaya …

David Licauco Barbie Forteza

David at Barbie ibinunyag sikreto pagpunta sa isang malamig na lugar 

ITO na ‘yung sikreto na binanggit sa amin dati pa nina David Licauco at Barbie Forteza tungkol sa tanong …

Christian Bables Andrea Brillantes

Christian ok lang ma-typecast sa pagbabading

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ibinigay na katwiran ni Christian Bables sa kung bakit patuloy …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ENJOY na enjoy at ‘di nakikitaan ng lungkot o pagkabahala …