Thursday , December 18 2025

Tonz Are, tiyaga at pagsisikap ang sikreto sa tagumpay

TIYAGA at pagsisikap. Ito ang dala-dala ni Tonz Are, isang matagumpay na indie actor, para maabot ang pangarap at mapunta sa kasalukuyang kinatatayuan ngayon sa buhay. Mula noon hanggang ngayon, sipag pa rin ang dala-dala ni Tonz kahit kinilala na ang galing niya sa pag-arte. Nagsimula bilang theater actor si Tonz na napunta sa paggawa ng mga indie films. Ani …

Read More »

Duterte bibisita sa Israel at Kuwait

INAAYOS ng Palasyo ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa darating na Setyembre. “There will still be a joint official announcement on the dates in September,” ayon kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong” Go sa text message sa Palace reporters. Noong Mayo 2017 ang unang schedule ng Israel visit ni Duterte ngunit naunsyami dahil sa Marawi …

Read More »

TRAIN Law 2 malabong maipasa sa Senado

INAMIN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mayorya ng mga senador ay hindi pabor na talakayin ang ikalawang package ng Tax Reform Acceleration and Inclusion Law kahit na binanggit ito ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address. Ayon kay Sotto, ito ay dahil hindi natupad ang mga ipinangako at ang pagtaya ng econo­mic …

Read More »

Party muna bago trabaho

NIB PCOO Malacanan

TILA huminto ang ikot ng mundo sa News and Information Bureau (NIB) sa Malacañang kahapon dahil sa pag­diriwang ng kanilang anibersaryo. Natapos ang eco­nomic press briefing sa Malacañang nang halos 1:00 ng hapon ngunit walang natanggap na kopya ng transcript nito ang Palace reporters. Trabaho ng NIB ang i-transcribe ang pana­yam sa mga opisyal ng Palasyo at maging ang mga …

Read More »

Nasa panig ako ng katotohanan — Vice Mayor Umali

NANAWAGAN ang kam­po ni Vice Mayor Emmanuel Antonio Umali sa mga tagasu­porta at mga kalalawigan sa Nueva Ecija na ‘wag magpadadala sa mga paninira sa kanyang pa­milya at manatiling kal­mado sa kabila ng kali­wa’t kanang pamo­mo­litika ng mga kalaban nila sa politika. Mahinahong tinang­gap ni Umali ang utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 4 Hulyo …

Read More »

Girian sa Minorya lalong umiinit

MAINIT na pag-aawayan ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ng mga mi­yembro ng Liberal Party at ng Magnificent Seven (ang kasaluku­yang tunay na minority) ang kali­punan ng House Minority. Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, ang kasalukuyang minority leader, hindi siya aalis sa puwesto niya. Pero sabi nina Albay Rep. Edcel Lagman at Marikina Rep. Miro …

Read More »

Power sharing target ni GMA?

MUKHANG target ni dating pagulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na muling makasambot ng kapangyarihan. Ang pagiging palalo, abusado at bastos ng pintalsik na House speaker na si Pantaleon “Bebot” Alvarez ay pinakinabangan nang husto ni GMA pabor sa kanyang mga ambisyon. Kung maayos at mahusay ang attitude ni Alvarez, hindi magtata­gumpay ang kampo ni GMA na masambot …

Read More »

Fiscal Edward Togonon tatakbong mayor sa Pasay City?

PUTOK na putok sa Manila City hall na tatak­bong alkalde sa Pasay City si Manila Prosecutor Edward Togonon. Mukhang nagsasawa nang mag-fiscal si Fiscal Togonon kaya tatakbo na lang Mayor… ‘yun lang, sa Pasay City hindi  sa Maynila. Aba mukhang paldo ang pondo ni Fiscal Togonon! Alam naman ninyo sa Pasay City kapag diyan tumakbo kailangan bastante ang pondo. Hindi …

Read More »

Power sharing target ni GMA?

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG target ni dating pagulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na muling makasambot ng kapangyarihan. Ang pagiging palalo, abusado at bastos ng pintalsik na House speaker na si Pantaleon “Bebot” Alvarez ay pinakinabangan nang husto ni GMA pabor sa kanyang mga ambisyon. Kung maayos at mahusay ang attitude ni Alvarez, hindi magtata­gumpay ang kampo ni GMA na masambot …

Read More »

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, pinangunahan ang bonding ng BeauteDerm family

IBANG klase ang naging bonding moment ng BeauteDerm family sa pangunguna ng CEO at owner na si Ms. Rheå Ramos Anicoche Tan at ng number-one endorser niyang si Ms. Sylvia Sanchez. Nangyari ito last July 22, nang sama-sama silang nanood ng Rak of Aegis sa PETA Theater, Quezon City. Masuwerte kami dahil bukod sa sobrang entertaining ang Rak of Aegis, personal din naming nakita …

Read More »

Tonz Are, hataw sa pelikula at endorsements!

TULOY-TULOY sa pagha­taw ang magaling na indie actor na si Tonz Are. Bukod sa kaliwa’t kanang pelikula, pati sa endorsements ay sunod-sunod din ang natatanggap niya. Bukod sa pelikula ay lumalabas din ngayon si Tonz sa telebisyon at teatro. Madalas siyang mapa­nood sa mga episodes ng The 700 Club Asia sa GMA-7. Sinabi ni Tonz ang mga pinagkakaabalahang project ngayon. “My new film ako, …

Read More »

Ms. Boots, inayawan ng ina ng unang naging BF

NAGULAT ang lahat. May magandang istorya sa kanyang nakaraang buhay pag-ibig na naibahagi ang beteranang aktres na si Ms. Boots Anson Roa na bahagi ng pelikulang Dito Lang Ako kasama si Freddie Webb at ang mga bagets na sina Michelle Vito, Akihiro Blanco, at Jon Lucas, na hatid ng Blade Entertainment. Dahil nga may elemento ng ikatlo sa relasyon ang sangkap ng pelikula, tinanong ang mga artista kung may …

Read More »

Ahron at Kakai, kasal na lang ang kulang

SA August 1, naman, ihahain nina Ahron Villena at Kakai Bautista ang treat ng Cineko Productions sa manonood, ang Harry and Patty. Love story na may not so beautiful beginning pero may mala-fairytale  na ending. Sa tunay na buhay, may hugot din ang mga bida, eh. Pinagpistahan sa social media dahil sa mala aso’t pusa nilang away. Na humantong na nga sa palitan ng masasakit na salita. Pero …

Read More »

Kita ng ILYH, umarangkada dahil sa kabi-kabilang block screenings

UNANG araw pa lamang ng pelikulang I Love You, Hater na ipinalabas sa mga sinehan ay kumalat na ang balitang hindi ito kumita na hindi naman ikinagulat ng netizens dahil inaasahan na itong mangyayari.  May nagsabing  gustong manood dahil kay Joshua Garcia na paborito nito. Kinakitaan ng malaking potensiyal ang aktor lalo pa, wala itong negatibong isyu mula nang pumasok sa showbiz. Si Julia Barretto naman, muli …

Read More »

Amalia, bumubuti na ang kalagayan dahil sa matiyagang pag-aalaga ng apong si Alfonso

IILAN na lang marahil sa mga milenyal o baka wala pa nga ang maaaring nakakakilala sa dating Sampaguita star na si Amalia Fuentes. Pero tiyak na kilala siya ng kanilang mga ina’t lola. Magandang balita tungkol sa retiradong aktres, ina ng yumaong si Liezl Martinez. Matatandaang iginupo si Amalia (o may palayaw na Nena) ng matinding stroke ilang taon na ang nakararaan. Pero salamat …

Read More »