Friday , December 19 2025

Robinson dating nba All-Star namatay, edad 53 anyos

KINUMPIRA ni John Lufkins, father-in-law, sa NBC nung Sabado na ang dating NBA All-Star at 18-year veteran Clifford Robinson ay namayapa na. Hindi isinapubliko ang naging sanhi ng kamatayan.   Nasa edad 53 na siya, ayon sa The Associated Press. Naniniwala si Lufkins na matatandaan ng NBA fans si Robinson   ”as a fun-loving and caring person who loved family get-togethers.” “He …

Read More »

Pacquiao gumawa ng kasaysayan na ‘di na mauulit — Thurman

MAHIGIT isang taon ding hindi umakyat sa ring si Keith “One Time” Thurman. At sa kanyang pagbabalik sa ring, naranasan niya ang unang talo sa kanyang professional career  sa kamay ng 40-year-old Manny Pacquiao na kinuha sa kanya ang WBA welterweight world title, para taguriang  pinaka­matandang boksingero na tumangay ng world title sa 147 pounds. Pagkatapos ng laban ay kailangang …

Read More »

Mitchell nag-donate ng $45,000 para sa edukasyon ng mga anak ni Blake

INANUNSIYO nung Huwebes ni Utah Jazz guard Donovan Mitchell na magdo-donate siya ng $45,000 mula sa proceeds ng kanyang bagong signature sneakers para suportahan ang edu­kasyon ng mga anak ni Jacob Blake. Si Blake, 29-year-old Black man na binaril ng mga police nung Linggo sa Kenosha, Wisconsin.   Ayon sa abogado ng Blake family, si Blake ay naging paralitiko mula sa …

Read More »

Porzingis magagarahe dahil sa knee injury

INANUNSIYO ng pamu­nuan ng Dallas Mavericks na hindi  makalalaro si Kristaps Porzingis sa nalalabing games ng kanilang 1st round series kontra Los Angeles Clippers. Garahe muna si Mavs star Porzingis dahi sa nadale siya ng meniscus tear sa kanang tuhod. Ayon kay Marc Stein ng New York Times, hindi na makalalaro ang Mavs star sa nalalabing 2020 playoffs. Ayon pa sa …

Read More »

Marcial hahawakan ni Roach

PAKAY ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na maging world champion din na katulad niya si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial. Para malaki ang tsansa ay dalawang respetadong trainers ang ipinatututok ni eight-division world champion Pacquiao kay Marcial. Sina  Hall of Famer Freddie Roach at Justin Fortune ang gagabay sa training program ni Marcial para maging handa sa …

Read More »

Pribadong CoVid-19 test labs imbestigahan (DOH at RITM pinagpapaliwanag)

PAIIMBESTIGAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga ang mga pribadong testing laboratory na nagsasagawa ng swab test para sa CoVid-19, habang ipatatawag ang Department of Health (DOH) at Research Institute For Tropical Medicine (RITM) upang hingan ng paliwanag hinggil dito. Ito ang tinuran ni Governor Dennis “Delta” Pineda sa kaniyang pahayag hinggil sa mga kaso ng CoVid-19 swab test na isinagawa …

Read More »

P15.7-M ismagel na pekeng yosi nasamsam sa Bocaue

Cigarette yosi sigarilyo

AABOT sa P15.7 milyong halaga ng puslit at mga pekeng sigarilyo ang nakompiska ng mga awtoridad sa isang bodega sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, noong Biyernes, 28 Agosto. Sa inilabas na pahayag ng mga awtoridad, isinagawa ang pagsalakay ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (ESS-QRT) ng Bureau of Customs (BoC) at mga tauhan ng Bocaue Municipal …

Read More »

Bulacan Gov. Daniel Fernando trabaho tuloy, kahit nasa 14-araw mandatory isolation

DANIEL FERNANDO Bulacan

POSITIBO man si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa coronavirus disease (CoVid-19) nitong nakaraang Biyernes, 28 Agosto, magpapatuloy pa rin siya sa pagganap sa kaniyang tungkulin kahit online habang sumasailalim sa mandatory isolation na 14 araw. Ayon sa gobernador, siya ay nananatiling asymptomatic kahit nakompirmang siya ay positibo sa CoVid-19. Nagpasuri si Fernando matapos makasalamuha si Bulacan Board Member Ramil Capistrano, …

Read More »

Alyas Tulok timbog sa P.2-M shabu sa Marikina City

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang 39-anyos lalaki, kilala sa alyas na ‘Tulok’ na pinanini­walaang talamak sa pagtutulak ng droga, sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), noong Sabado ng gabi, 29 Agosto, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ni P/Col. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina police, ang nadakip na suspek na si Rolando Turalba, Jr., alyas …

Read More »

Pulis-Pandi inireklamo ng Kadamay sa Ombudsman (Sa pagsalakay sa tanggapan at pagkumpiska sa Pinoy Weekly)

police PNP Pandi Bulacan

NAGHAIN ng pormal na reklamo noong Biyernes, 28 Agosto, ang urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Office of the Ombudsman laban sa police officials ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan kaugnay sa sinasabi nilang ‘panunupil’ na ginawa laban sa kanila. Ayon sa Kadamay, naghain sila ng reklamong robbery, gross misconduct, conduct unbecoming of a public official, …

Read More »

H’wag mag-ilusyon! Piolo Pascual at pamilya magkasama sa rest house sa Batangas hindi si KC Concepcion

WALANG patid sa pag­babalita ang mga vlogger na mahihilig sa fake news kina KC Concepcion at Piolo Pascual. As in hindi naman buntis si KC pero pinalalabas ng mga nasabing fake vloggers na preggy kay Piolo ang aktres at kambal pa raw ang lumabas na resulta sa ultrasound. Tapos sa baby shower raw ay sina Judy Ann Santos at Pokwang …

Read More »

Ros film production may pa-search para sa “star icon” na puwedeng magwagi ng P10K

Tuloy-tuloy sa pag­tuklas para sa mga baguhang singer at rapper ang filmmaker/record/MTV producer na si Direk Reyno Oposa. Matapos mabigyan ng break ang ilang artists na tulad ni Ibayo Rap Smith na ang dalawang Music Video ng kantang Inspirado at Quarantimer ft by Kiel na mapapanood sa Reyno Oposa Official sa YouTube na pumalo sa 288K views ang Inspirado at …

Read More »

Darwin at Enzo, may samahang maganda sa BL series na My Extraordinary

PAGBIBIDAHAN nina Darwin Yu at Enzo Santiago ang BL series na My Extraordinary. Gumaganap dito si Darwin bilang si Shake, isang law student na naghahanap ng katarungan para sa sarili at sa kanyang pamilya. Si Enzo naman ay si Ken, isang writer. Ito ang first television project ng AsterisK Artist Management na pinamumunuan ni Kristian G. Kabigting. Sina Enzo at …

Read More »

Ms. Nilda Tuason ng CNHP, maraming bagong produkto kontra Covid-19

MARAMING bagong produkto ang CN Halimuyak Pilipinas base sa panayam namin sa CEO ng CNHP na si Ms. Nilda Tuason. “May bagong products po kami na maaaring gamitin upang malabanan ang pagkalat ng CoVid-19 virus. Lahat po ng mga panlinis na dati nang ginagamit ay nilagyan namin ng disinfectant para maging doble ang effect, hindi lang panlinis ito, kundi pang-disinfect …

Read More »

Richard Quan, tuloy ang ikot ng mundo sa gitna ng pandemic

MALAPIT nang magtapos ang seryeng A Soldier’s Heart na tinatampukan ni Gerald Anderson. Isa ang premyadong actor na si Richard Quan na bahagi nito at gumaganap dito bilang Governor. Sa pamamagitan ng private messaging sa FB, inusisa namin si Richard ukol sa kanilang Kapamilya serye. “Tapos na yung lock-in taping namin last July pa, bale ako yung governor dito na nilalaro ang …

Read More »