Monday , December 15 2025

Benz Sangalang, game magpasilip sa unang project sa Vivamax

Benz Sangalang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHAHANDA na sa kanyang unang pelikula sa Vivamnax ang hunk actor na si Benz Sangalang. Nabanggit niya ang ginagawang preparasyon dito. Aniya, Ngayon po, halos naka-focus lang ako sa paghahanda sa paparating na project para sa Vivamax. Mga work-out, pagpapa-fresh, mga ganyan po ang ginagawa ko ngayon… nagba-basketball din po ako, naisisingit pa rin naman.” …

Read More »

Direk Danni, ibinidang may pagka-Indiana Jones ang Bakas ni Yamashita

Alfred Montero Ahron Villena Angie Montero Bakas ni Yamashita

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAHUNTAHAN namin recently si Direk Danni Ugali hinggil sa pelikulang Bakas ni Yamahita, na siya ang direktor. Ito’y hatid ng White Eagle Films Productons, isinulat ni Bill Velasco at tinatampukan nina Ahron Villena at Alfred Montero. Kasama rin sa casts sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Angie Montero, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, …

Read More »

 Surveys are not elections — Lacson

ping lacson reference id

TAHASANG sinabi ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson, ang survey ay hindi eleksiyon, matapos hingan ng reaksiyon ukol sa resulta ng pinakahuling survey. Ayon kay Lacson ang eleksiyon sa 9 May 2022 ang totoong survey dahil mismong ang taongbayan at lahat ng mga botante ang lalahok. Iginiit ni Lacson, hindi siya nababahala o natatakot sa lumalabas na resulta ng …

Read More »

BBM umatras sa comelec pres’l debate

Bongbong Marcos BBM Comelec Pili Pinas

TULUYANG nabahag ng buntot ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., nang umatras sa imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa presidential debates. Ito mismo ang kinompirma ng Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez sa isang pahayag. Ayon kay Rodriguez, mas nais daw ni Marcos na makasama ang kanyang mga tagasuporta …

Read More »

Dahil sa ‘bangayan’ sa PATAFA
EJ OBIENA ‘DI NAKALAHOK SA BELGRADE 2022

EJ Obiena PATAFA

DESMAYADO si Senate Committee on Sports chairman Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na hindi nakadalo si national pole vaulter at Olympian Ernest John “EJ” Obiena sa World Athletics Indoor Championships na gaganapin sa Belgrade, Serbia ngayong buwan dahil sa sigalot sa pagitan nito at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Kalipikadong lumahok si Obiena sa World Indoors matapos …

Read More »

Puganteng nagtatago nakorner sa Bulacan

Arrest Posas Handcuff

NASAKOTE ng mga awtoridad nitong Linggo, 13 Marso, ang isang wanted person mula sa ibang lalawigan na ginawang kublihan ang bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PNP, naglatag ng manhunt operations ang tracker team ng Norzagaray MPS bilang lead unit, katuwang ang mga elemento ng Baliangao MPS ng …

Read More »

Umawat na pulis pinag-initan
4 BASAGULERO ARESTADO, KALABOSO SA PANDI, BULACAN

police PNP Pandi Bulacan

ARESTADO ang apat na indibidwal matapos makipagtalo at pisikal na saktan ang mga pulis na nagtangkaNG umawat sa kanilang kaguluhan sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 13 Marso. Nabatid na nagresponde ang mga tauhan ng Pandi MPS sa ulat ng insidente ng alarm and scandal na nagaganap sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan. Tinangka ng …

Read More »

4-anyos anak hinalay sa Nueva Vizcaya ama arestado sa Qurino

prison rape

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kaniyang sariling anak noong 2013 sa bayan ng Diadi, lalawigan ng Nueva Vizcaya. Kinilala ang suspek na si Armando Kimmayong, 58 anyos, residente sa Brgy. Ampakleng, sa nabanggit na bayan, at naaresto sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Progreso, Aglipay, Quirino sa bisa ng warrant of arrest na …

Read More »

14 pamilya, nasunugan sa Kankaloo

LABING-APAT pamilya sa walong bahay ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan makaraang sunugin ng isang hindi pa pinangalanang lalaki kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Dakong 2:00 am nang biglang sumiklab ang sunog sa Maypajo, Brgy. 35, ng nasabing lungsod. Salaysay ni Chairman Ricky Madali, isang hindi pa pinangalanang lalaki ang kinuyog ng mga …

Read More »

Navoteño rehab grads nabigyan ng bagong pag-asa sa buhay

Navotas

MAY 29 Navoteño na gumagamit ng droga (PWUDs) ang nabigyan ng bagong pag-asa sa buhay kasunod ng kanilang pagtatapos sa Bidahan, ang community-based treatment at rehabilitation program ng pamahalaang lungsod ng Navotas. Sa bilang na ito, anim ang children in conflict with the law (CICL) habang tatlo sa mga nagtapos ang matagumpay na nakapasa sa anim na buwang aftercare program. …

Read More »

300 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog

fire sunog bombero

HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw. Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:20 am nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy. Arkong Bato. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad iniakyat …

Read More »

Biktima ng hit and run
PASLIT PATAY, INA SUGATAN

road accident

PATAY ang isang 2-anyos batang lalaki habang sugatan ang kanyang ina, sa insidente ng hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Markgil Jabuena, Jr., sanhi ng pinsala sa ulo at katawan, habang patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang kanyang inang kinilalang si Shirley …

Read More »

P5.3-M piyansa sa 111 kaso ng Qualified Theft,
ACCOUNTANT NASAKOTE SA CASINO

arrest, posas, fingerprints

INARESTO ng mga operatiba ng Parañaque City Police ang 43-anyos accountant na sinasabing sangkot sa 111 kasong Qualified Theft, may nakalaang P5.3 milyong piyansa habang papasok sa kilalang casino, sa lungspd nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang akusadong si Ramon Andal Gamboa, most wanted kaugnay sa mga warrant of arrest …

Read More »

369 Parañaque Unified Force Multipliers sinanay sa PROTECT

Parañaque

NASA 369 Unified Force Multipliers na kinabibilangan ng mga tanod at chief vigilance officer (CVO) ang nagtapos sa Patrolling and Response Operations Training ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Dumalo sina Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, bilang guest of honor at speaker at NCRPO chief P/MGen. Felipe Natividad nitong 11 Marso 2022 sa Don Bosco Covered Court, Brgy. Don …

Read More »

Sigalot ng Russia at Ukraine sinisi
PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO SUMIRIT PA

Oil Price Hike

SAKIT sa ulo ang muling mararanasan ng mga motorista at ng bawat tahanang Filipino dahil sa muling pagpapatupad ng mga kompanya ng langis ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa ngayong araw, 15 Marso. Pangungunahan ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 am ngayong Martes, magtataas ng P13.15 ang presyo ng kada litro ng diesel, P10.50 sa presyo ng kerosene, at …

Read More »