Monday , April 29 2024

Blog List Layout

Doktor, nurse sinaksak ng injection needle ng ama (Pasyenteng sugatan ‘di agad naasikaso)

DAVAO CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang lalaki na sumaksak sa isang doktor at nurse sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) gamit ang injection needle nang hindi agad naasikaso ang kanyang anak na naaksidente. Kinilala ang suspek na si Jesus Manalo, 41, may asawa, laborer, residente sa Purok 2, Gravahan, Brgy. Matina Crossing sa lungsod. Sa imbestigasyon ng …

Read More »

Obrero tigok sa bangungot

WALA  nang buhay nang matagpuan ang isang 24-anyos obrero makaraang bangungutin sa loob ng kanyang bahay sa Pandacan, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Rowel Morla Lorica, walang asawa, nanunuluyan sa T. San Luis Street, Pandacan. Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 9:43 a.m.nang matagpuan ng kanyang kasamahan na si Raylan …

Read More »

76-anyos lolo nagbigti sa depresyon

ROXAS CITY – Depresyon ang nagtulak sa isang 76-anyos lolo para magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bato, bayan ng Panay sa Capiz kamakalawa. Patay na si Leonidas Banico nang makita ng kanilang kapitbahay na si Anthony Cullado na nag-iigib ng tubig. Sa imbestigasyon ng Panay Police Station, lumalabas na na-depress ang biktima makaraang iwan ng asawa na …

Read More »

Absuwelto ni PNoy sa SAF 44 draft lang — Ferrer

NILINAW ni Negros Occidental 4th District representative Jeffrey Ferrer, hindi pa pinal ang lumabas na report ng House committee on public order and safety na nagpapahayag na inabsuwelto na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 kasapi ng Special Action Force (SAF). Sinabi ni Ferrer, draft pa lamang ang naturang report at hindi pa …

Read More »

Holdaper sugatan, 1 pa arestado sa parak

SUGATAN ang isang holdaper makaraang barilin ng humahabol na pulis habang arestado ang isa pang suspek matapos holdapin ang isang babaeng pasahero ng pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Si Jasper Siguan, 32, residente sa Basa Compound, Zapote, Las Piñas City, ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang kamay makaraang tangkaing barilin ang humahabol na pulis na …

Read More »

Tradisyonal na pahalik sa Nazareno simula na

INIHAYAG ng mga pari mula sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto na ngayong Biyernes, Enero 8 magsisimula ang tradisyonal na Pahalik. Ito ay dahil may mga debotong maagang pumila sa Quirino Grandstand kahapon sa pagbabakasakaling maagang simulan ang Pahalik sa Nazareno. Iginiit ni Fr. Douglas Badong ng Quiapo Church, dakong 8 am ngayong Biyernes magsisimula ang …

Read More »

12 sugatan sa salpukan ng 2 DLTB sa Quezon

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang 12 pasahero makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Sariaya, Que-zon, 12:30 a.m. kahapon. Ayon kay PO3 Andrew Radones, imbestigador ng Sariaya Municipal Police Station, naganap ang insidente nang mag-overtake ang bus mula sa Manila sa kapwa DLTB bus mula sa Bicol. Nagkabasag-basag ang mga salamin ng unahang bahagi ng bus habang basag din …

Read More »

25 mangingisda sa Surigao kalaboso sa Indonesia

BUTUAN CITY – Kinompirma ng dalawang barangay chairman ng Surigao City na umabot sa 25 mangingisda ang nakakulong ngayon sa Indonesia dahil sa illegal fishing. Ayon kay Kapitan Josselyn Mantilla ng Brgy. Sabang, 15 sa nasabing bilang ay kanyang constituents habang ang 10 ay taga-Brgy. San Juan base na rin sa pagkompirma ni Brgy. Chairman Monina Caluna. Sa salaysay ni …

Read More »

Coed patay sa selfie (Nahulog sa roof deck ng 20-storey condo)

AGAD binawian ng buhay ang isang 19-anyos estudyante nang mahulog habang nagse-selfie mula sa roof deck ng 20-palapag na condominium sa Ermita, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Cristina Marie Pagalilauan, 3rd year Mass Communication student sa Adamson University, residente sa B2, L21 Eternity St., Compil 3, San Vicente, San Pedro, Laguna. Ayon kay Manila Police District Homicide Section PO3 …

Read More »

VP gumasta ng P600-M sa pol ads

SI vice president Jejomar Binay ang pinakamalaking gumasta sa TV commercials o political ads mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30 ng taong 2015. Ayon sa monitoring ng media research firm na Nielsen Philippines, gumastos ng P595,710,000 milyon ang kampo ni Binay para sa pag-ere ng mga political ads sa iba’t ibang estasyon sa telebisyon.  Kinuwestyon ng tagapagsalita ni Daang Matuwid …

Read More »

Doble dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno

INAASAHANG dodoble sa bilang noong nakaraang taon ang mga deboto at turista na dadalo sa parada ng Itim na Nazareno dahil nataon ito sa araw ng Sabado. Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic discipline head Crisanto Saruca, napaghandaan na nila ang nasabing bilang dahil magtatalaga na rin ng karagdagang mga personnel ang PNP at AFP para makontrol ang …

Read More »

20-anyos bebot sex slave ng tiyuhin

NAGA CITY – Nabunyag ang paulit-ulit na pagsamantala ng isang lalaki sa kanyang 20-anyos pamangkin sa loob nang mahigit isang taon sa Tiaong, Quezon. Kinilala ang biktima sa pangalang Vangie, 20-anyos. Nabatid na mag-isa lamang ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin noong Disyembre 25, 2015 nang biglang dumating ang suspek na si Marco, 68-anyos. Puwersahang pinapasok ng suspek ang …

Read More »

Tanggal-lisensiya sa abusadong taxi driver

IPINAKAKANSELA na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Roger Catipay, ang taxi driver na nag-viral sa social media dahil sa paninigaw at pananakit sa kanyang pasaherong si Joanna Garcia. Ayon sa LTFRB, personal na humarap si Catipay sa kanilang opisina para ipaliwanag ang kanyang panig. Napag-alaman, nagpahatid ang biktima sa …

Read More »

Senado wala nang mapipiga sa Mamasapano probe — Palasyo

DUDA ang Palasyo na may mapipiga pa ang Senado na bagong ebidensya sa pagbubukas muli ng imbestigasyon sa Mamasapano incident. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa pagkakaalam ng Malacañang, lahat ng mga ebidensya at testimonya hinggil sa insidente ay nailabas na sa ginanap na mga imbestigasyon ng Senado, Mababang Kapulungan , Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation …

Read More »

PNoy nagpatawag ng pulong sa tensiyon ng Saudi vs Iran

IPINATAWAG ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kaukulang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa tensiyon sa Middle East. Magugunitang napaaga rin ang pagbaba ni Pangulong Aquino mula sa Baguio City dahil sa girian ng Iran at Saudi Arabia. Nababahala raw si Pangulong Aquino sa kalagayan ng dalawang milyong Filipino sa Middle East na maaaring maipit sa kaguluhan. Kaya ipinatawag niya …

Read More »

Bebot itinumba sa binggohan (1 pa sugatan)

PATAY ang isang babae habang isa pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalaro ng Bingo sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection unit (QCPD), kinilala ang napatay na si Marianita Barbo, 46, may asawa ng Senatiorial Road, Brgy. Batasan Hills sa …

Read More »

Libreng anti-rabies vaccine ibibigay ng DoH

MAGBIBIGAY ang Department of Health (DoH)  ng libreng bakuna kontra sa nakamamatay na rabies sa animal bite treatment centers sa buong bansa. Ito ay upang palagana-pin pa ang kanilang kampanya at maiwaksi ang rabies na nakukuha mula sa kagat ng mga alagang hayop partikular ng aso at pusa na sanhi ng kamatayan ng higit 220 katao noong 2015. Kinompirma ni …

Read More »

3-anyos nabanlian ng kumukulong tubig tiyahin arestado

NABANLIAN ng kumukulong tubig ang 3-anyos batang paslit ng kanyang tiyahin sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon. Nakapiit na sa Muntinlupa City Police ang tiyahin ng biktima na si Maryann, 20, ng Brgy. Putatan, ng natu-rang lungsod. Dinala sa pagamutan ang biktimang itinago sa pa-ngalang Marie. Base sa report na natanggap ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa …

Read More »

Brownout sa eleksiyon posible — Colmenares

NANGANGANIB na magkaroon ng brownout sa eleksiyon. Inihayag ito ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, base sa pahayag ng Meralco na ang walong power plants sa Luzon na may combined capacity na 4,547.8MW ay may scheduled shutdowns ngayong taon. Bunsod nito, posibleng magkaroon ng manipis na supply ng enerhiya kaya nanganganib na magkaroon ng brownout sa nalalapit na eleksiyon. “The …

Read More »

929 final count sa firecrackers injuries

TALIWAS sa unang pagtaya ng Department of Health (DoH) na bumaba nang mahigit 50 porsyento ang bilang ng mga naputukan ngayong taon, mas malaki pa ang lumabas sa final tally kahapon. Ito ang final report ng kagawaran para sa firecracker at stray bullet cases, kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon. Nagsimula ang pagbibilang noong Disyembre 21, 2015. Sa record ng …

Read More »

School service naipit sa 2 truck, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang estudyante ng St. Theresa’s College sa Quezon City nang maipit ang kanilang school service sa dalawang truck nitong Miyerkoles ng umaga. Papasok sa eskuwelahan ang mga bata nang biglang banggain ng isang trailer truck sa likod ang kanilang school service sa Mindanao Avenue. Kuwento ni Eduardo Danao, service driver, nakahinto sila dahil traffic ngunit bigla silang sinalpok …

Read More »

Traffic constable wala nang diaper — MMDA (Sa traslacion ng Nazareno)

HINDI na pagsusuotin ng diaper ang mga traffic constable dahil hindi komportable habang nagbabantay at nangangasiwa ng trapiko sa gagawing prusisyon ng Itim na Nazareno. Inihayag ito kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos. Ayon sa MMDA Chief, hindi komportable para sa kanilang mga tauhan ang pagsusuot ng diaper habang ginagawa ang kanilang trabaho kaya hindi na nila ito gagawin. …

Read More »

Call center agent nagnakaw ng baby (Para ‘di iwan ng BF)

CEBU CITY – Inamin na ng suspek sa pagdukot ng sanggol sa ospital sa Cebu ang ginawang krimen. Ayon kay Melissa Londres, call center agent, nagawa niya ang pagnanakaw ng sanggol para hindi siya iwan ng kanyang kasintahan na si Philip Winfred Almiria. Isinalaysay niya na nakunan siya sa kanyang ipinagbubuntis at hindi niya ipinaalam sa kanyang nobyo para hindi …

Read More »

Rider patay, angkas kritikal sa SUV

PATAY ang isang lalaking lulan ng motorsiklo habang kritikal ang kanyang kapatid makaraang banggain ng SUV sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Richie Claraval, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang namatay na si Benjamin Abundo, 35, empleyado ng pest control company, ng Wallnut St., Brgy. West Fairview, Quezon City. Habang nakaratay sa …

Read More »

NAGBIGAY ng tulong ang nagbabalik na ama ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim sa mahigit 3,000 residente ng dalawang barangay sa Dagupan Ext.,Tondo, Maynila na biktima ng sunog kamakailan. Kasama ni Mayor Lim ang tandem na si aspiring Vice Mayor incumbent 1st District Congressman Atong Asilo at Konsehal Niño Dela Cruz sa kanyang pag-ayuda sa Manileño na …

Read More »