Sunday , October 13 2024

Bong Go walang paki sa DND-SAP bidding

WALANG pakialam si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa anomang bidding para bumili ng mga kagamitan ang Department of National Defense (DND).

Reaksiyon ito ni Go sa ulat na isinulong umano niya ang pag-aproba sa isang Korean company para sa computer system para sa barko ng Philippine Navy, habang may ibang pinaborang kompanya ang dati nitong Flag Officer in Command na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

“I have not intervened in the procurement of DND of its computer system for its ships. I have not participated nor intervened, directly or indirectly, in the transactions of DND,” ani Go.

Wala aniya siyang anomang impormasyon kaugnay ng  partikular na transaksiyon ng DND na  ibinibintang sa kani-yang umano’y panghihimasok.

Ayon kay Go, mas mabuting maidulog sa DND ang usaping ito para maayos na matugunan ni Secretary Delfin Lorenzana.

“Further, I even have no information nor knowledge of the  said transaction. Clarification on the issues should be addressed to SND Lorenzana,” dagdag niya.

Matatandaan, si Mercado ay sinibak sa puwesto ni Lorenzana noong Disyembre 2017 dahil sa umano’y pagkak­asang­kot sa iregularidad sa procurement ng DND para sa computer sys­tem na gagamitin sa mga barko ng Phil Navy.

Sa naunang paliwanag ni Lorenzana, iginiit niyang hindi naging makatuwiran ang pambibitin at pagharang ni Mercado sa naturang programa gayong matagal na panahon na itong nababalam kaya hindi makausad ang modernisasyon ng kanilang mga barko.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *