Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras
Mark Herras

Mark mas ok mangutang kaysa gumawa ng sex video

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO nga ba ang pakialam ng mga tao kung totoo mang nangutang si Mark Herras para sa pangangailangan ng kanyang anak?

Kagaya rin naman siya ng marami sa atin na hirap nga sa buhay dahil mahigit na isang taon na ang umiiral na quarantine at apektado ang mga artista dahil walang sine, natural walang gumagawa ng matinong pelikula. Bawal ang mga concert at mga show, bawal kasi ang malalaking gathering, eh ano aasahan ninyo saan sila kikita?

Kung kami ang tatanungin, kung si Mark ay nangungutang man, mas mabuti naman ‘di hamak ang kanyang ginawa kaysa roon sa mga
“pumapatol sa ibang sideline” o kaya iyong nagbebenta ng malalaswang video. Iyong pangungutang ni Mark, ibig sabihin nakahanda siyang bayaran iyon at magtrabaho kung may pagkakataon na para mabayaran ang kanyang pagkakautang.

Kung iyang si Mark ay hindi mabuting tao, gagaya na lang iyan sa iba na hahanap ng kung sinong bakla na handang magbayad sa kanya. Aba kung singkuwenta mil lang, mahina para kay Mark. Pero hindi niya naisip na gumawa ng ganoon.

Siguro kung nakipag-deal lang si Mark na gagawa siya ng sex video, mas malaki pa ang kanyang kikitain. Aba iyong kung sino-sino riyan nagsasabing kumita sila ng kalahating milyon sa ginagawa nilang sex video eh, si Mark pa ba? Pero hindi rin niya naisip na gawin iyon.

Sa halip, ang naisip niya ay magpakumbaba at manghiram muna ng pera, na tiyak namang babayaran niya. Ano ang masama roon? Ano ang dahilan para bumaba ang pagtingin sa kanya dahil nangailagan siya
ng pera. Iyong mga milyonaryo mismo nangungutang din. Tingnan ninyo, iyong ABS-CBN lang bilyon ang utang, pero napakalaking kompanya iyan at bilyonaryo ang mga may-ari niyan. Iyang GMA huwag ninyong sabihin na walang utang iyan sa mga supplier nila. Kung iyong mayayaman nagkakaroon ng utang, ano ang masama kung mangutang man si Mark?

Ang masama kung maririnig natin na si Mark ay balasubas na hindi nagbabayad ng utang. Pero iyong sabihin lamang na nangutang siya dahil kinapos siya sa pera, walang masama roon at iyong ang perang
inuutang niya ay para sa kanyang pamilya, ok iyon. Kaysa naman sa gumawa siya nang wala sa ayos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …