Thursday , December 9 2021

Lolit kay RR — Gamitin ang utak, ‘wag sawsaw ng sawsaw

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

WALANG Tiktok account si Manay Lolit Solis dahil una, hindi siya techie at aminado rin naman siya na ang editor niyang si Salve Asis ang nagma-manage ng Instagram account niya.

Sana tsinek muna ito ng dating aktres na negosyante na ngayong si RR Enriquez kung legit ang account ng kilalang talent manager na tinalakan ang alagang si Mark Herras nang mangutang daw sa kanya ng P30k.

Sa IG account ni RR noong Martes ay ipinost niya ang larawan nina Mark at Manay Lolit kuha sa Tiktok na nakataas ang kanang kamay at tila pinagagalitan ang aktor.

Ang caption ni RR, ”Totoo ba ito? Kung totoo man. Gusto ko makisawsaw.

“Alam mo Lolit Solis Ang tanda mo na 70plus ka na pero chismosa ka pa din. Yung konti na lang ilalagi mo sa mundong ito hindi ka pa gumawa ng kabutihan! Gusto mo yung bida bida ka pa din?

“I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok ‘yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan.

“Sabihin natin may mali yung tao, hindi nag ipon. Naging pabaya nung time na kasikatan nya etc. pero kailangan mo ipangalandakan na wala syang 30k???

“Bilang manager nya ilang milyon ba ang kinita mo sa kanya?? Para sa kapiranggot na 30k ipahiya mo sya ng ganyan?

“Yan ang hirap sa ating mga Pilipino (hindi ko naman nilalahat) minsan kung sino pa yung pinag kakatiwalaan mo sya pa yung manglalalaglag sayo!!!

“Kayo naman nakikisawsaw pandemic ngayon. Lahat tayo may pinag dadaanan. Sure ako hindi lang si Mark ang nangangailangan ng pera sa mga artista.

“Pero sana imbest pagpyestahan natin, tulungan natin. Hindi nya naman gusto gamitin ito sa masamang paraan. Pang dede nga daw ng anak oh!!!!!

“Kalowkah si Lolit Solis!!!”

Hindi ito pinalampas ni Manay at agad niyang sinagot sa kanyang IG account na @akosilolitsolis.

Aniya, ”I refuse to get mad Salve. Pero hindi ko parin palalagpasin ang kakitiran ng utak ng ilang taong nagtatanggol kay Mark Herras. Actually, natutuwa ako at meron palang followers na handa siyang ipagtanggol pag meron siyang napasukan ng issue. OK, number 1) Sa lahat ng alaga ko parang pamilya ang relasyon namin, nasasabi ang problema nila at para nila akong nanay. Number 2) Hindi lang si Mark Herras ang taong nanghiram sa akin ng pera, pero never ako nagsalita. Number 3) Kung ginusto ko siraan si Mark Herras sana nilagay ko sa IG, isinulat, at sinabi ko na sa lahat, pero nang araw na iyon na nanghiram si Mark ng ganuon kaliit na halaga, talagang nagalit ako dahil Mark Herras ka, wala kang ganyan kaliit na pera? Iyon kasama ko sa bahay meron ipon 120K, kasambahay lang iyon, ikaw artista WALA ? Galit, iritasyon at awa ang naramdaman ko. Kaya siguro ng nasa Take It, Per Minute… Me Ganon! nabanggit ko. Pero in fairness, medyo na guilty din ako dahil nga parang hiniya ko si Mark. Now, duon sa nagtatanggol sa kanya, puwede ba na huwag kayong over acting na gumagamit pa nang masamang mga salita. Sana, mas natulungan nyo pa si Mark Herras kung pinayuhan nyo na sana maging seryoso sa trabaho, maging professional, at pagbutihin ang acting para makasabay sa mga stars na naungusan na siya sa popularity kaya mas maraming assignments. Kung talagang mahal nyo si Mark Herras sana advice na maganda ang gawin nyong tulong sa kanya. Gusto ko na ngang magtaray at magsabi, mahal nyo pala siya, sana kayo nagbigay ng pera na kailangan niya. Alam nyo ba na sa halip na maging tulong ang ginagawa nyo, lalo parin siyang nadi-degrade dahil sa reaction nyo, alam na ng lahat na wala siya ng ganuon kaliit na halaga. Hindi malaking bagay sa akin ang hiniram ni Mark, ang punto ko lang, sa status niya, kalokah na ganuon lang ‘kaliit’ wala siya? Iyon ang ikinagalit ko, at sinabi ko sa kanya. Na kung nuon ipinakita niya na seryoso siya sa trabaho, at kung nuon binigyan halaga niya ang kinikita niyang pera, hindi siya aabot sa ganyan kalagayan.

“Now dun sa mga akala mo makakatulong sa problema ni Mark na inaaway ako, halos murahin, ano ang point nyo ? Naawa kayo? Bakit hindi kayo maging matalino at bigyan ng magandang advice si Mark. Alam nyo ba na ngayon ko naisip na siguro kaya nalaos at ganyan ngayon si Mark Herras dahil bad influence kayo sa kanya. Pag nagtanggol ka ng tao, gumamit ka ng utak at puso. Kung wala kang comprehension, at mababa IQ mo, huwag ka na lang magsalita. Sobrang baba ng IQ ng isang tao na dinadaan sa masamang salita ang galit niya. Umpisa pa lang, loser na. Kaya siguro nagkaganyan si Mark Herras dahil sa halip na magandang advice ang naibigay nyo, iyon babaw ng utak at galit sa puso nyo ang naibigay nyo sa kanya. I will say it honestly, na isa sa mga alaga ko na mahal ko si Mark Herras. Mabait siya, walang inggit sa katawan, at laging very optimistic ang tingin sa buhay. Kulang lang siya sa competitive spirit kaya pa easy easy lang, na naging setback niya. Now, nakakatuwa na meron nagtatanggol sa kanya, sana lang iyon sa magandang paraan. Huwag nyo ako awayin, o gamitan ng masamang salita, hindi ako maapektuhan. 74 years old na ako, at in the end, hindi ako ang nanghiram ng ganuon ‘kaliit’ na pera. Hindi ako ang nalaos, hindi ako ang naghanap ng trabaho. Kaya pag may oras, gamitin naman ang utak, hindi iyon sawsaw ng sawsaw sa issue. Sana sa halip na awayin nyo ako, makakita kayo ng paraan makatulong kay Mark Herras. Sa ginagawa nyo, nilulubog nyo pa siyang lalo. Please lang, iyan covid sa utak mahirap gamutin. Iwasan nyo. Case closed! Pathetic 

About Reggee Bonoan

Check Also

Paolo Valenciano Samantha Godinez

Paggawa ng bagong baby nina Paolo at Samantha naunsiyami

HARD TALKni Pilar Mateo  “T HE whole 2020 was a blur!  Nangyari ba talaga ito?” ang nasabi ng …

Angelo Carreon Mamay

Angelo Carreon Mamay, pinarangalan bilang Outstanding Youth Leader of the Year

ALAM MO NA!ni Nonie V. Nicasio PINARANGALAN kamakailan sa 3rd Laguna Excellence Award si Angelo Carreon Mamay, bilang …

Blind Item, excited man

Aktor kinababaliwan, pero ‘di maitago ang pagiging Reyna ng Malate

HATAWANni Ed de Leon NAGSISIKAP si male star na itago ang tunay niyang pagkatao, kasi sa panahon nga …

Yorme manalo-matalo win-win ang industriya

HATAWANni Ed de Leon MAGANDA iyong sinabi ni Yorme Isko Moreno, na kung siya raw ay hindi mananalong …

Vilma Santos

Ate Vi tututukan ang pagpo-produce, industriya ibabangon

HATAWANni Ed de Leon DESIDIDO si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) na magbalik na nga sa showbusiness. Babalikan niya …

Leave a Reply