Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Online sex worker Lloyd Agustin, sisikat kaya sa showbiz?

SISIKAT na uli nang sobra-sobra si John Lloyd Cruz dahil pumayag na siyang magpa-manage sa talent agency ni Maja Salvador at ng fiance nitong si Rambo Nunez.

Kung pumapayag na si John Lloyd na magpa-manage, ibig sabihin ay handa na siyang gumawa ng projects ngayon, either pelikula o teleserye.

Samantalao, may isang Lloyd na parang sa panahong ito ng pandemya sisikat: si Lloyd Agustin, ang online sex worker!

Noong Mayo 13, nagpa-zoom interview siya kay Mr. Fu na ang hilig ay sexy interview with sex-oriented personalities.

Tiktok influencer na pala ang bansag ngayon kay Lloyd dahil sa Tiktok pala siya nag-e-entertain sexually.

“Masaya po ‘yung usapan namin ni Mr. Fu. Sakto lang po ang harot,” sabi ni Lloyd noong Mayo 15, Sabado ng gabi, kay Jerry Olea, isa sa Troika ng PEP entertainment website. Via Facebook Messenger nakatsika ni Jerry si Lloyd.

Mapapanood ang virtual harutan nina Lloyd at Mr. Fu sa Mayo 21, Biyernes, sa YouTube channel at Facebook page ng WTFu, ang online show ni Mr. Fu.

Mula noong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rebelasyon ni Lloyd tungkol sa pagiging online sex worker, naging abala siya sa mas marami pang interviews, ayon kay Jerry.

Mga dalawang oras matapos ang pakikipagharutan ni Lloyd kayMr. Fu, sumalang naman si Lloyd sa Zoom interview with Jessica Soho para sa TV program na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

“Smooth po iyong flow ng interview ko with Miss Jessica. Komportable po ako sa kanya,” lahad ng 23-anyos na si Lloyd.

“Sabi po ni Miss Jessica, ang tapang ko and strong personality kasi ‘di ako nahihiya na magsalita tungkol sa mga ganitong bagay.

“Naramdaman ko po iyong respect ni Miss Jessica kahit pumasok ako sa ganitong trabaho. Nag-thank you pa po siya sa dulo ng interview kasi, lahat po ng questions niya, sinagot ko.”

Natunghayan ang interbyu ni Jessica kay Lloyd sa KMJS noong Mayo 16, Linggo ng gabi, sa GMA 7.

Wow, 23 million pala ang followers ng Facebook page ng KMJS, kaya ito na ang most followed Filipino TV program sa nasabing social media platform.

Pangarap pala ni Lloyd na mag-artista. Sa zoom interview noong Mayo 9, Linggo, inusisa si Lloyd ng kilalang vlogger-publicist na si Byx Almacen kung tatanggapin niya if ever ang project na lubhang mapangahas.

“Oo naman, absolutely. Isa iyon sa mga dream ko simula pa noong bata ako, iyong makapag-star sa isang movie. Mag-act, ganyan,” nakangiting tugon ni Lloyd.

“Feeling ko, I have what it takes.”

Kahit sinong i-partner sa kanya, tatanggapin n’ya. Pero ang crush n’ya sa showbiz ay si Bela Padilla.

Oo nga pala, si Bela ay napapabalitang gagawa ng script para sa isang music video na siya rin ang magdidirehe . Halos kababalik pa lang n’ya mula sa Sweden na lagpas sa anim na buwan n’yang nakasama ang boyfriend na European.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …