Friday , June 5 2026

Taylor Swift concert sa Paris, ipalalabas ng libre

TULAD din ni Madonna, dahil sa pandemic, kinansela ni Taylor Swift ang mga concert n’yang naka-iskedyul ngayong taon, ayon sa International news agency na Agence France-Presse.

Sa halip na mag-concert, ginawan ng paraan ng napakasikat na singer para maipalabas nang libre sa television sa Amerika ang concert n’ya sa Paris nOOng Setyembre.

Sa May 17 ipalalabas sa ABC network sa Amerika ang concert n’yang  City of Lover Concert! Ang oras ng pagpapalabas ay kasunod ng season finale ng hit show na American idol. Kinabukasan ay itatanghal din ‘yon online sa Hulu at Disney+.

Pahayag ni Taylor sa Twitter n’ya, “Excited to announce the City of Lover Concert! We filmed my show in Paris in September and thought it’d be fun to share.”

Sa 2021 na lang n’ya itutuloy ang mga concert sa US at Brazil.

Aniya pa, “I’m so sad I won’t be able to see you guys in concert this year, but I know this is the right decision. 

“Please, please stay healthy and safe. I’ll see you on stage as soon as I can but right now what’s important is committing to this quarantine, for the sake of all of us.” 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …