Friday , January 17 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle driver. Iyong dati nilang naiuuwing kita mula sa maghapon na pamamasada ay P300 na lang kompara sa dating kita na P700 kada araw.

Napakalaki na nga ang nawala sa mga driver -P400 kada araw o P2,400 kada linggo. E ang mga operator, apektado kaya?

Ang dahilan ba ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo? Marahil isa ito sa dahilan dahil hindi naman sila tulad ng mga pampasaherong jeep/bus na may mga nangyayaring paggalaw sa paniningil ng pasahe base sa kautusan ng Land Transportation Franchising regulatory Board (LTFRB).

Samantala ang mga tricycle, ang lokal na pamahalaan ang magdedesisyon kung magtataas ng pasahe sa pamamaghitan ng Tricycle Regulatory Unit (TRU).

Batid natin ang situwasyon ng mga driver na nasa ilalim ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) nang maglabas ng kanilang karaingan ang grupo sa pamamagitan ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP).

Tinukoy ng grupo na ang isa ngayon sa pangunahing nakaaapekto sa kita ng mga tricycle driver ay ang patuloy na pagdami ng motorcycle taxi sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Ariel Lim, national president ng NACTODAP, dahil sa patuloy na pagdami ng MC Taxi ay nasa P300 na lamang kada araw ang naiiuwing kita ng bawat tricycle driver na sobrang baba sa dating kita na P700 kada araw.

Anang opisyal, dahil sa patuloy na pagdami ng MC taxi, marami nang galit sa kanilang hanay lalo ang pagdagdag din  ng LTFRB sa mga MC Taxi company sa Region 3 at Region 4A.

Panawagan ng grupo sa LTFRB na tigilan na ang pagdaragdag ng MC Taxi sa bansa at sa halip, konsultahin muna ang iba’t ibang stakeholders tulad ng NACTODAP bago magdesisyon na magdagdag ng MC taxi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinikayat ni Atty. Jopet Sison, founding Chairman ng QC Tricycle Franchising Board, ang pamahalaan na magkaroon ng National Transport Plan upang maging maayos ang sistema sa usapin ng mga MC taxis sa bansa.

Inilinaw ng abogado na hindi naman sila tutol sa pagkaroon ng MC taxi sa bansa dahil malaking tulong din ito sa mga pasahero, napapabilis ang kanilang biyahe o nararating nang mas mabilis ang kanilang destinasyon pero dapat munang i-regulate ng LTFRB ang mga MC taxi.

Pero sa kabila pa rin ng lahat – mababa/bumaba ang kita kada araw, walang planong humingi ang mga TODA ng taas singil sa pasahe sa LGUs dahil ang maaapektohan lamang nito ay ang mga karaniwang manggagawa na mababa rin ang sahod.

Nagbabala si Lim na kung hindi mapipigilan ang LTFRB sa pagpaparami ng MC taxi, malamang na lumabas na rin sa mga lansangan ang maliliit na driver at operator ng pampasaherong tricycle para kalampagin ang Malakanyang na aksiyonan ang kanilang karaingan. (30)

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …