Friday , December 1 2023

Asawa ng QC cong’l bet, financial manager ng Pharmally

122221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

KINOMPIRMA ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na financial manager ng kanilang kompanya si Lin Wei Xiong.

Si Lin ay kasosyo ni dating presidential economic adviser Michael Yang, inuugnay sa illegal drug trade at asawa ni Quezon City 5th District congressional candidate Rose Nono Lin.

Sa ika-17 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa iregular na paggasta sa CoVid-19 response funds, ipinakita ni Sen. Richard Gordon ang mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakasaad na si Lin ang financial manager ng Pharmally.

Sinabi nina Pharmally chairman Huang Tzu Yen at treasurer Mohit Dargani, ang papel ni Lin bilang financial manager ay magsilbing guarantor sa suppliers para kay Yang.

“For the purpose of returning and safeguarding that guarantee that we will pay back once [a] collection is made, yes, he was appointed financial manager,” ani Huang hinggil kay Lin.

Ang rebelasyon sa papel ni Lin sa Pharmally ay taliwas sa pahayag ni Yang na wala siyang kinalaman sa kompanya at kahit pa naisiwalat na naging financier at guarantor siya sa suppliers.

Hindi nakadalo sa pagdinig si Lin dahil positibo sa CoVid-19 at nasa Dubai.

Magugunitang sinabi ni dating Col. Eduardo Acierto sa isang intelligence report na sangkot umano sa illegal drug trade sina Yang at Lin o “Allan Lim.” 

Naging kontrobersiyal ang misis ni Lin nang ilahad sa Senate hearing na nagising na lamang siyang may mga luxury vehicles na nakaparada sa garahe ng kanilang bahay gaya ng Lexus LX450D nagkakahalaga ng P8.8 milyon, 2019 Toyota Alphard nagkakahalaga ng P3.9 milyon, 2020 Toyota Land Cruiser, P4.8 milyon; at Land Rover na may halagang P11.9 milyon.

Samantala, ipinaaaresto ni Gordon ang dalawang negosyanteng may kaugnayan kay Yang na sina Jayson Uson at Gerald Cruz dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig ng komite.

Si Uson aniya ay presidente ng Filipinas 168 Shopping Mall, DCLA Plaza, at Yangtze Group Trade, na umano’y konektado lahat kay Yang.

“Balita namin, nasa Japan. Hihilingin ko na ma-contact ng embassy natin diyan kung may makukuhang balita para mahuli ‘yan,” ani Gordon.

Habang si Cruz, ang tumulong kay Yang para magkaroon ng bahay sa Dasmariñas, Cavite at Forbes Park at stockholder sa Filipinas 168 Shopping Mall.

Ayon kay Gordon, si Cruz ay corporate secretary ng DCLA Plaza, Yangtze Group Trade, at Pharmally Biological.

“Itong dalawang ito, kailangan mahuli para mabuo natin ang storya. Medyo buo na. Pero kung ang nakikinig ay Department of Justice (DOJ) at Ombudsman, at NBI, tulungan n’yo na ang ating bayan para naman magkaroon tayo ng kaunting katarungan sa mga nalaspag na pera nitong mga taong ito,” anang senador.

Tinuya ni Gordon si Duterte sa pahayag ng Pangulo sa mga nasalanta ng bagyong Odette na naubos na ang pondo ng gobyerno sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic.

“Kita niyo, sasabihin n’yo pa […] ‘naubos talaga ‘yong pera natin’ e nakadagdag po d’yan ‘yong nawalang pera dito sa Pharmally. Nakadagdag din ‘yong perang nawawala sa pangungulimbat at ang yumayaman lang ay ‘yong ilang mga tauhan ninyo,” ani Gordon sa simula ng pagdinig kahapon.

Nanindigan si Gordon na maanomalya ang nakorner ng Pharmally na P11-B halaga ng kontrata sa Department of Budget and Management (DBM).

About Rose Novenario

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …