Monday , October 2 2023
Hilongos mass grave Political detainees
RETRATO mula Anakpawis Rep. Ariel Casilao, kuha sa Manila City Jail, noong 2017.

Idiniin sa Hilongos mass grave
3 MAGSASAKANG POLITICAL DETAINEE PINALAYA

IPINAG-UTOS ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 nitong Biyernes, 17 Disyembre, ang pagpapalaya sa mga magsasakang bilanggong politikal na kinilalang sina Dario Tomada, Norberto Murillo, at Oscar Belleza.

Ipinagkaloob ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ang ‘demurrer to evidence plea’ na kumikilala sa kaku­langan ng ebidensiya ng prosekyusiyon.

Ayon sa Kilusang Magsasaka ng Pilipinas (KMP), itinuturing na pinagsikapang tagumpay ng bayan ang pagpapalaya kina Tomada, Murillo, Belleza.

Anila, inspirasyon ito para sa mga magsasaka sa buong bansa na humaharap sa mga kasong kriminal dahil sa pakikipaglaban para sa karapatan para sa kanilang mga lupang sina­saka.

Patuloy umano ang panawagan ng KMP sa ‘unconditional release’ ng lahat ng bilanggong politikal.

Matatandaang dinakip ang tatlong magsasaka noong taon 2010 sa ilalim ng rehimeng Aqui­no dahil sa gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanila kaugnay sa Hilongos mass grave.

Sa panahon ng kanilang pagkaka­kaaresto, nagsisilbi si Tomada bilang isang lokal na lider ng SAGUPA-SB (KMP Eastern Visayas), pinamunuan niya ang ilang mga kampanya para sa pagpapababa ng upa sa lupa at interes sa mga utang ng mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, karamihan sa 700 bilanggong political, 400 ang dinakip sa ilalim ng rehimeng Duterte, ay mga magsasaka.

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …