Friday , October 4 2024
Rosanna Ria Vergara

NE Rep. Vergara Filipino citizen — Supreme Court

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Rep. Rosanna “Ria” Vergara ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija sa Supreme Court matapos nitong ideklara na siya ay isang natural-born Filipino citizen.

Ayon sa mambabatas, nagpapasalamat siya sa Korte Suprema sa pagtataguyod hindi lamang ng desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) at kundi pati ang tunay na saloobin ng mga mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija.

Sa kabila ng mga pagbatikos, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na naniwala na mangingibabaw ang integridad ng mga mahistrado at ang katarungan.

Makalipas ang limang taon, tuluyang tinuldukan ng Korte Suprema ang kontrobersiyang bumabalot sa pagka-Filipino ni Vergara.

Sa En Banc decision noong 5 Oktubre 2021, ipinagtibay ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng HRET na kinilala ang pagiging Filipino ni Vergara at ang kanyang kalipikasyon na maging miyembro ng kongreso.

Ipinanganak si Vergara noong 5 Nobyembre 1963, parehong Filipino ang kanyang ama at ina. Sa pamamagitan ng proseso ng naturalisasyon, naging mamamayan ng Estados Unidos si Vergara noong 1998. Taon 2006 nang muling maging ganap na Filipino si Vergara.

Naging tanyag si Vergara dahil sa kanyang galing at husay sa industriya ng enerhiya, pinasok niya ang politika noong taong 2016 dahil sa hangarin na maiparating sa Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija ang mataas na kalidad ng serbisyo publiko na sinimulan ng kanyang asawang si Jay sa lungsod ng Cabanatuan noong 1998.

Ninais din ni Vergara na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante ng distrito na makapamili ng kinatawan sapagkat walang tumapat sa gobernador na noon ay kumandidato bilang kongresista at ni minsan ay hindi pa natalo sa eleksiyon.

Noong nanalo si Vergara bilang kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija noong 9 Mayo 2016, ito ang naging unang pagkatalo ni Gobernador Aurelio “Oyie” Umali sa larangan ng politika.

Pagkatapos ng eleksiyon, kabi-kabilang kasong nagkuwestiyon sa pagiging ganap na Filipino ni Vergara ang isinampa ng kampo ng mga Umali, na pinangunahan ni Philip Piccio.

Anila, hindi sumunod si Vergara sa tamang proseso upang muling maging mamamayan ng Filipinas sa bisa ng Republic Act (RA) No. 9225 at hindi orihinal na mga dokumento ang nasa pangangalaga ng Bureau of Immigration (BI).

Noong 17th Congress, naglunsad ang House Committee on Good Government and Public Accountability ng isang imbestigasyon tungkol sa misteryosong pagkawala ng mga orihinal na dokumentong dapat ay nasa pangangalaga ng BI na siyang nagpapatunay sa tamang pagsunod ni Vergara sa proseso upang muling maging ganap na Filipino alinsunod sa RA No. 9225.

Kinompirma rin ni BI Commissioner Jaime Morente, tunay na nagsumite ng aplikasyon si Vergara upang muling maging ganap na Filipino at ito ay naaprobahan noong Nobyembre 2006.

Sa kompirmasyon ng naunang desisyon ng HRET, ipinaliwanag ng Korte Suprema na marami ang naging mga patunay na sumunod si Vergara sa tamang proseso upang muling maging ganap na Filipino batay sa RA No. 9225.

Ayon sa Korte Suprema, “there is overwhelming competent evidence proving Vergara’s compliance with Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act) for the reacquisition of her Philippine citizenship.” 

Bukod rito, ang pagkawala ng mga orihinal na dokumento ay hindi rin naging hadlang sa pagpapatunay ng katotohanan na aktuwal na nagsumite si Vergara ng mga tamang dokumento.

Sinabi ng Korte Suprema, “the issue in the present case pertains to the existence and due execution of these documents and not their contents… The best evidence rule requiring the production of the original documents does not apply.”

Binigyang diin ng Korte Suprema ang mahalagang polisiya na kailangan papanagutin ang mga opisyal na dapat nangalaga sa mahahalagang dokumento ni Vergara. Ipinaliwanag ng Korte Suprema na kailangang itama ang kamaliang ito upang hindi tularan ng iba at hindi mabalewala ang halaga ng mga dokumentong ipinagkakatiwala ng publiko sa mga kawani ng gobyerno.

Ayon sa Korte Suprema,  “that documents duly filed but have gone missing while in the custody of the receiving agency, without fault or even knowledge of the persons filing, will be rendered useless and void   x   x   x.  This will bestow great injustice, not just upon Vergara or other similarly situated public officials, but likewise upon the general public who, in the first place, is powerless to prevent such mishaps.”

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Solar installer tiklo sa baril, bala at droga

SA isang pre-dawn operation bandang alas-5:30 ng madaling araw kahapon, Oktubre 3, 2023, matagumpay na …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

PBGen Maranan gumanap na sa bagong tungkulin bilang PRO3 chief

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. at malugod na inilipat …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Mark Leviste Vilma Santos

Vilmanians susuportahan pagtakbong gobernador ni Ate Vi; VG Mark umatras

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INAABANGAN ng marami ang pag-file ng certificate of candidacy ng mag-iinang Vilma …

Vilma Santos Luis Manzano Ryan Christian Recto

Ate Vi, Luis, at Ryan kompirmado tatakbo sa Batangas

MA at PAni Rommel Placente SA radio show nina Cristy Fermin at Romel Chica, kinompirma na tatakbo sa …