Tuesday , December 10 2024

Maynila, iba pa rin

YANIG
ni Bong Ramos

IBA pa rin ang dating ng lungsod ng Maynila kung ikokompara sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa buong National Capital Region (NCR).

Hindi lang siguro sa buong NCR kundi sa buong Filipinas na malayong-malayo talaga ang kalakaran sa lahat ng bagay.

Talagang naiiba pa rin ang pamosong lungsod kahit saan pa daanin ang laban o dili kaya’y kompetisyon.

Halos sa lahat ng aspekto ay number one ang Maynila lalo sa larangan ng disiplina partikular sa pagpapatupad ng mga ordinansa at batas.

Maging sa panahon ng pandemya na halos isang taon at kalahati na, labis at estriktong naipatutupad dito ang lahat ng health protocols na inilatag ng gobyerno.

Sa simpleng salita, ibang klase ang ipinamamalas na palakad ng lungsod sa pangunguna ni Yorme Isko Moreno a.k.a. Franciso Domagoso.

Iba ang kanyang ipinapakitang dedikasyon at sinseridad na ang kapakanan muna ng lahat ng Manilenyo ang kanyang prayoridad.

Ilang halimbawa rito ang monthly food supplies sa lahat ng mga barangay na hindi pumapalya at talagang updated kung dumating sa mga Manilenyo halos walong buwan mula nang ito ay ilunsad.

Ang mga dating kalsada gaya ng Divisoria na dati’y hindi madaanan dahil namumutiktik ang mga vendor ay bukas nang muli sa trapiko ng motorista at pedestrian.

Ubod na rin nang ganda ang ilan mga lugar nating makasaysayan tulad ng Jones Bridge, Plaza Moriones, Mehan Garden at marami pang iba. Maaliwalas at  nagniningning sa liwanag ng mga ilaw ang mga lugar na na dati;y madilim, marumi at halos hindi na dinaraanan ng mga tao.

Ito ay ilan lang sa mga halimbawa ng mga pag-babagong naganap sa Maynila na hindi yata nagampanan ng mga naunang Alkalde sa kanilang termino.

Hanggang sa kasalukuyang sitwasyon na nagkakagulo ang publiko sa pagpapabakuna ay talagang nararamdaman ng buong lungsod ang pagmamahal at malasakit ng liderato.

Talagang puspusan at seryoso ang kalakaran dito na sa awa ng Panginoon ay matagumpay na nagagampanan ng Manila Health Department sa superbisyon na rin ng ating mahal na Alkalde.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay makikita ang haba at walang humpay na pila ng mga tao sa mga itinalagang pampublikong paaralan at mga ospital para sa bakuna.

Hindi na iniintindi ng liderato sampu ng kanyang mga kawani na naatasan sa bakuna ang puyat at pagod, maging araw ng Linggo at Sabado ay nandon pa rin at patuloy na nagseserbisyo.

Ang mga araw at oras na ito ay para sana sa kanilang pamilya at mahal sa buhay nguni ito ay kanilang isinasakripisyo sa kapakanan ng lahat ng Manilenyo.

Ito ang talagang larawan ng serbisyo-publiko na dapat talagang gampanan at tugunan ng isa’t isa lalo sa liderato ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

        Sa ipinapakitang malasakit nitong si Yorme, hindi malayong kombinsihin siyang tumakbo ng marami nating kababayan bilang Pangulo sa 2022.

Iba at bukod-tangi ang taglay niyang karisma na siguradong nararamdaman ng mga tao hindi lang ng mga Manilenyo kundi ng buong bansa.

Sa puntong ito, hindi pa natin alam ang saloobin ni Yor-me kung nararapat na ba siyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon? Ano man ang balak niyang gampanan ay siya lang ang nakaaalam at dapat nating igalang dahil ito ay kanyang pribilehiyo.

Ano man ang dumating na kabanata, saksing buhay tayong lahat sa kanyang ipinaikita at ipinadamang kabutihang loob sa publiko at sa lahat ng mga Manilenyo…

Mabuhay ka Yor-me!

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *