Monday , November 11 2024

Pemberton kapalit ng bakunang made in USA

KINOMPIRMA ng Palasyo na ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump ang nagbigay daan sa paggawad ng absolute pardon kay US serviceman Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry, hindi lang pagpupulong nina Pangulong Duterte at outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang susi sa paglaya ni Pemberton kundi ang usapan sa telepono ng dalawang world leader.

“Posible po at ang tingin ko hindi lang sa pagpupulong iyan ni Presidente sa dating Ambassador ng Amerika kung hindi iyong kaniyang telephone conversation with President Trump. Pero wala pong kahit sinong privy doon sa telephone conversation na iyan so let us trust the wisdom of the President,” sabi ni Roque sa virtual press briefing.

Naniniwala si Roque na ang absolute pardon kay Pemberton ay kapalit ng bakuna kontra-CoVid-19 na pakikinabangan ng Filipinas mula sa Amerika.

“Ang tingin ko po iyong pardon, bagama’t ito ay personal na opinyon ko, ay para po makinabang ang mga Filipino sa vaccine laban sa CoVid-19 kung mga Amerikano nga ang maka-develop niyan,” aniya.

Ito aniya ang dahilan kaya tinanggap niya ang realidad na may maha­lagang interes ng bayan na itinataguyod si Pangu­long Duterte sa pagpa­palaya kay Pemberton.

“So sa akin po, tinatanggap ko po iyan bilang realidad na mayroong mga mas importante nating mga interes na itinataguyod ang ating Presidente,” dagdag ni Roque.

Itinanggi ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ang sapantaha ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

13th OFW and Family Summit sa The Tent City sa Las Piñas itinaguyod ng pamilya Villar

13th OFW and Family Summit sa The Tent City sa Las Piñas itinaguyod ng pamilya Villar

TINATAYANG nasa 4,000 pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) ang nakiisa sa 13th Overseas Filipino …

Away sa parking nauwi sa pamamaril, isa patay

Away sa parking nauwi sa pamamaril, isa patay!

DEAD on the spot ang isang  lalaki na si alyas Michael,49 anyos Striker/Parking Boy makaraang …

Higit 1000 residente Nabigyan ng atensyong medikal ng Builders Warehoise Corp

1,500 plus residente nagalak sa medical & dental mission  ng Builders Warehouse Inc.

TINATAYANG 1,500 residente mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Angat na sakop ng …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Nang-agaw pa ng motorsiklo TANDEM NA NOTORYUS HOLDAPER SA ENTERTAINMENT CITY ARESTADO

Nang-agaw pa ng motorsiklo!  
TANDEM NA NOTORYUS HOLDAPER SA ENTERTAINMENT CITY ARESTADO!

NATULDUKAN ang talamak na iligal at mapamerwisyong aktibidad ng dalawang kilabot na holdaper makaraang masakote …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *