Friday , June 5 2026

Taas sahod aprobado sa Kamara

IPINASA na sa Kama­ra ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangat­lo at huling pagbasa sa panukala kahapon.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quim­bo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng go­byerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko.

Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong mangga­gawa.

“Higher govern­ment wages will also keep the public sector competitive relative to the private sector and attract top talent to government jobs,” ani Quimbo.

Ang public school teachers, ani Quimbo, ay magkakaroon ng mas malaking benepi­syo sa panukalang ito.

“The group which stands to benefit the most from this bill is our public school teachers, who make up about 22 percent of employees in govern­ment and GOCCs,” ayon sa mambabatas ng Marikina.

“The salaries of Teacher I, II, and III (Salary Grades 11 to 13 respectively) will experience the largest adjustments of any salary grade, at about 5 to 6 percent each year,” aniya.

Sa ulat, sinabing 187 ang bomoto ng yes at lima lamang ang bomoto ng no.

Ang pagtaas sa sahod ay umpisa sa Enero 2020 hangang 2023.

Ang ika-limang salary standardization law (SSL) ay magbibi­gay ng 23.24 porsi­yento sa mga sahod ng 1.4 milyong kawani ng gobyerno sa loob ng apat na taon.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …