Friday , June 26 2026

Tapos na sa pagmamarka ng mga ebidensiya
IMPEACHMENT COURT KASADO NA SA TRIAL NI VP SARA

062626 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

MATAPOS tiyakin na namarkahan na ang mga kinakailangang ebidensiya, tinapos na ng impeachment court ang pre-trial conference sa inihaing mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte at inaasahang handa na para sa gaganaping paglilitis sa 6 Hunyo 2026.

Nahaharap si Duterte sa mga kasong culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang mabibigat na krimen.

Noong Mayo, pinatalsik ang bise presidente ng Kamara sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

Apat na araw umabot ang ginanap na pre-trial conference na nagsimula noong Lunes, 22 Hunyo para markahan ang mga ebidensiya ng kampo ng depensa at prosekusyon.

Pinangunahan ang pre-trial conference ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug na tumayong clerk of court para sa impeachment trial kasama ang ilang mga miyembro ng Senate Legal Division.

Sinabi ni defense team spokesperson Atty. Michael Poa na naging maayos ang pagmamarka sa mga exhibits o ebidensiya mula pa noong Miyerkoles, 24 Hunyo hanggang kahapon ng umaga, Huwebes, 25 Hunyo, sa kabila ng mga idinagdag na table o markings stations.

Maging si House prosecutor Rep. Terry Ridon ay nagsabi sa isang hiwalay na panayam kahapon, matatapos ang pagmamarka ng mga exhibits. Hindi na aniya aabot sa 1,000 dokumento ang natitira para sa markings.

Inaasahan na matutuloy na ang impeachment trial sa orihinal na takdang petsa nito sa darating na 6 Hulyo.

Sa magaganap na paglilitis ay hindi lamang makikita ng publiko kundi maririnig ang bawat ebidensiya ng magkabilang panig ganoon din ang mga tsetimonya ng mga testigo.

Kasado umano ang depensa sakaling kailanganing sumipot sa paglilitis si Duterte at kung hinihingi ng pagkakataon.

Hindi makadadalo bilang senator-judge si Senador Jinggoy Estrada dahil siya ay pinatawan ng 90-araw suspensiyon ng korte.

Gayondin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa dahil isa na siyang ‘pugante’ mula nang takasan ang warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …

PNP CIDG AdMU Ateneo Rene Baterbonia Divine Adili

Kaso vs 10-11 AdMU staff ikinakasa na ng PNP

HINDI bababa sa 10 hanggang 11 empleyado ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang sasampahan …