Wednesday , December 11 2024

Pusa sa Siberian town isinulong na tumakbong mayor

122115 Barsik cat Barnaul
ANG mga residente ng Siberian town ng Barnaul ay nagkaroon ng seryosong ‘cat-titude.’

Isinusulong nila ang isang 18-month Scottish Fold na si Barsik na maging kanilang bagong alkalde.

Ayon sa unofficial poll sa popular local social media page, Altai Online, sa Russian social network VK, ang pusa ay nanalo ng 91 porsiyento ng 5,400 votes laban sa anim karibal na mga tao.

Inianunsiyo rin sa nasabing page ang paglulunsad ng ‘crowdsourcing campaign’ para sa itatayong billboard sa sentro ng lungsod na nakasaad ang katagang “Only mice don’t vote for Barsik! kasunod ang larawan ng kandidatong pusa, ayon sa The Guardian.

Ngunit sa kabila ng pangunguna sa online polls, hindi maaaring mahalal na alkalde si Barsik, hindi lamang dahil siya ay isang pusa. Ang alkalde ay itatalaga ni Regional Governor Alexander Karlin at ng city council, ayon sa CNN reports.

Ito ay nakadedesmaya, dahil umaabot sa 700,000 residente ng Barnaul ang may seryosong dahilan upang hindi pagtiwalaan ang human leaders.

Ang dating administrator ng Barnual, na si Igor Savintsev, ay pinatakbo ang lungsod mula 2010 hanggang sa siya ay magbitiw nitong Agosto bunsod ng alegasyong pag-abuso sa kapangyarihan. Ayon sa The Guardian, nalugi ang lungsod ng mahigit 11 million rubles ($156,779 USD) bunsod ng pagbebenta ng mga lupain na pag-aari ng munisipalidad, sa mga samahang may kaugnayan sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Ayon pa sa British paper, ang anak ni Savintsev na si Maxim ay lilitisin sa fraud and embezzlement charges ngunit tumakas na patungong Thailand.

Malinaw sa mga komento sa Altai Online’s poll na sawa na ang mga tao sa korupsiyon.

“What the cat could steal at most is Whiskas (a brand of cat food),” ayon sa isang comment, na isinalin ng CNN sa English.

Habang sinabi ng isa pa, “By Barsik’s eyes I see he is concerned about the people.”

Bukod dito, ang pusa ay mayroong proven track record ng matagumpay na panunungkulan.

Si Mayor Stubbs, ang pusang nahalal bilang alkalde ng Alaskan town ng Talkeetna, mahigit isang dekada na ang nakalilipas, ay binigyan ng kredito dahil naging tourist destination ang kanilang area.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

QC Wellness Center opened to support educators well-being

QC Wellness Center opened to support educators’ well-being

The SM Foundation, in partnership with the Quezon City Schools Division Office, inaugurated the Schools …

SM BDO Feat

Alagang Kabayan: How BDO and SM transform the lives of Overseas Filipino families through the years

For millions of Overseas Filipinos (OFs), the holidays often mean sacrificing precious moments with loved …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *