Sunday , November 28 2021

DoH Code white alert sa Bagong Taon

122914 DOHITINAAS na sa Code White Alert, ang pinakamataan na antas ng alerto ng Department of Health (DoH), ang lahat ng pampublikong pagamutan sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kasabay ng panawagan sa publiko na makiisa sa pag-iwas sa paggamit ng mapaminsalang paputok at salubungin ang Bagong Taon nang ligtas at malayo sa anomang kapahamakan.

Kaisa aniya ang Palasyo ng DoH sa paghimok sa mamamayan na gumamit ng mga alternatibong pamamaraan ng pagdiriwang, tulad ng maingay na musika, pagpalo sa kaldero, paggamit ng torotot at maging ang pagdaraos ng kasiyahan sa kalye o street parties sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa paunang tala ng DoH National Epidemiology Center dahil sa

pinaigting na kampanyang ‘Iwas Paputok,’ bumaba nang 43 porsyento ang bilang ng mga biktima ng paputok kung ihahambing noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 113 ang naitalang kaso ng

firecracker-related injuries na nakalap mula sa iba’t ibang pagamutan sa buong bansa.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng DoH sa iba pang ahensya ng pamahalaan tulad ng DILG (Department of Interior and Local Government) at ng pambansang pulisya upang mapigilan ang pagdaragdag ng mga biktima ng paputok at maipamulat sa mga magulang ang panganib na dulot

ng mga paputok sa buhay ng kanilang mga anak.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva …

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang …

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng …

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o …

PCSO STL PNP NBI

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau …

Leave a Reply