Saturday , December 20 2025

Special child, 2 pa sugatan sa umiwas na jeepney (Ambulansiya biglang sumulpot)

SUGATAN ang isang special child at dalawang iba pa nang araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng kontrol dahil sa pagsulpot ng isang ambulansiya sa Taft Avenue, Ermita, Maynila kahapon. Kinilala ang mga biktimang si Lola Lucy dela Peña, residente ng #2120 Amparo St., Sta. Ana, Maynila, at ang mag-inang sina Roselyn Agapito, at Nene, special child, kapwa residente …

Read More »

77-anyos magsasaka nagbitay sa hirap ng buhay

NAGBIGTI ang isang 77-anyos magsasaka dahil sa matinding depresyon bunsod ng kahirapan sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Domingo Navarro, residente ng AB Navato St., Poblacion. Ayon sa misis ng biktima na si Maria, bago ang insidente ay nakita niya ang kanyang mister na matamlay at nag-iisip nang malalim dahil paubos na …

Read More »

Impeachment vs PNoy inihain sa Kamara

  NAGTALI ng peach ribbon ang mga miyembro ng militanteng grupo sa gate ng House of Representatives sa Quezon City bilang suporta sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III bunsod ng pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP). (ALEX MENDOZA) INIHAIN na kahapon sa Kamara, partikular sa tanggapan ni House of Representatives Secretary General Marilyn Barua-Yap, ang kauna-unahang …

Read More »

Abortion pills nasabat sa NAIA

NASABAT ng grupo ni NAIA Customs police chief, Capt. Reggie Tuason at Customs Anti-illegal drug task force head Sherwin Andrada ang 24,000 cytotec tablets (abortion pills) sa isang Indian national na kinilalang si Mohanty Srikant sa NAIA T-1 mula Bangkok, Thailand lulan ng Thai Airways flight TG621 kahapon. (EDWIN ALCALA) TINATAYANG 24,000 Cytotec tablets ang nasabat ng Bureau of Customs …

Read More »

Serbisyo ng Meralco palpak -Trillanes

HINDI nakalampas sa pagbatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang palpak na serbisyo ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon kay Trillanes, dapat nang i-take over at pakialaman ng pamahalaan ang pamamahala at pamamalakd sa Meralco. Inirekomenda rin ni Trillanes ang agarang pagpapalit sa pamunuan o nagpapatakbo ng Meralco sa kasalukuyan. Ayon kay Trillanes, sa kabila nang mahal na singil ng …

Read More »

World’s biggest arena ng INC binuksan na

BINATIKOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang mga kritiko sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan kahapon. (JACK BURGOS) DINALUHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, …

Read More »

Misis 5 beses tinarakan ng icepick, tigbak (Pinagselos si mister)

PANIBUGHO ang nagtulak sa isang ama ng tahanan na saksakin ng icepick nang limang ulit ang kanyang misis nang ipagmalaki ng biktima na may ibang taong nakauunawa sa kanya sa Pasay City kamakalawa ng umaga. Nalagutan ng hininga bago idating sa Pasay City General Hospital si Vilma Velazquez, 36, ng 1749 Cuyegkeng St., Zone 1, Brgy. 2 , Pasay City. …

Read More »

Trike driver nangisay sa ibabaw ng bebot

  PATAY ang isang tricycle driver nang atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Marikina City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Marikina City Police chief, S/Supt. Vincent Calanoga ang biktimang si Nestor Cruz alyas Erning, 45, hiwalay sa asawa, at residente ng #7 M.H. Del Pilar St., Brgy. Calumpang ng nasabing lungsod. Sa …

Read More »

INC’s Philippine Arena dapat ipagmalaki ng buong bansa

SA Hulyo 27, sa selebrasyon ng Centennial ng Iglesia ni Cristo (INC) opisyal nang binuksan kahapon (Hulyo 21) ang Philippine Arena, isang multi-purpose indoor arena na matatagpuan sa Ciudad de Victoria na sumasakop sa dalawang bayan ng Bulacan, ang Bocaue at Sta. Maria. Mayroong kapasidad na 55,000 seats, itinuturing ito ngayon na pinakamalaki sa buong mundo. Ito ang centerpiece sa …

Read More »

Informal settlers pala ang nakinabang sa DAP?

WALANG nawaldas na P10 bilyong DAP ni PNoy! Kung susuriin, ito ang nais na ipahayag ni Interior Sec. Mar Roxas sa pagsasabing ang bilyon-bilyong DAP funds ay ginamit ng pamahalaang Aquino sa tama at makabuluhang proyekto. Gano’n ba? Aba in good faith nga naman pala kahit na sinasabi ng Korte Suprema na ilegal ang DAP. Well, alangan naman sabihin ni …

Read More »

Mabuhay, centennial anniversary of Iglesia ni Cristo!

I have chosen the way of truth; I have set my heart on your laws. —Psalm 119:30 MALUGOD natin binabati ang mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo (INC) sa kanilang ika-100 anibersaryo sa darating na Hulyo 27. Malapit sa ating puso ang mga taga-INC dahil gaya ng ating naisulat noon, ang aking Lola Maria Santos, isa sa mga nangalaga …

Read More »

What DAPak?

SINO ang naniniwala na malaki ang nagawa para sa taong bayan ng DAP, o Disbursement Acceleration Program? Ito ang gustong palabasin ng pamahalaang Aquino, matapos mapahiya nang sabihin ng Korte Suprema na ilegal at unconstitutional ang DAP. The administration says that DAP was a factor in the increase of the country’s gross domestic product, or GDP. Hindi po tayo economist …

Read More »

Environment Day ng Sta. Rosa ipinagdiwang!

PANABAY sa paggunita ng 10th Cityhood Anniversary ng siyudad ng Sta. Rosa, ipinagdiwang din ang Environment Day ng lungsod alinsunod sa City Ordinance 1730-2011 o mas lalong kilala sa tawag na Sta. Rosa Environment Code. Binigyang pagkilala ni Mayor Arlene Arcillas at ng buong city government ng Sta. Rosa ang mga project partners sa environmental program ng siyudad kasabay ang …

Read More »

Accreditation sa BoC

NAG-ANNOUNCE ang Bureau of Customs nakaraang linggo tungkol sa ACCREDITATION ng brokers at importers at nagbigay ng deadline hanggang July 31, 2014. Marami pa rin sa kanila ang hindi pa nakapagrehistro, only 33 percent out of the 11,000 or more importers ang hinihintay pa na makapagrehistro ng kanilang accreditation. About 5,000 pa lang ang nakapagrehistro ng kanilang accreditation. At ang …

Read More »

Enchong, umaming may non-showbiz GF na!

ni Rommel Placente MAY girlfriend na si Enchong Dee. Non-showbiz ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ngayon. Pero tipid magbigay ng anumang detalye ang aktor tungkol sa kanyang current girlfriend para raw maprotektahan ang pribadong buhay nito. “Yes, I have a girlfriend now, non-showbiz. Matagal-tagal na, wala pang isang taon,” sabi ni Enchong. Patuloy niya, “See, ‘yun din ang kagandahan …

Read More »