Louise, ‘nganga’ ang beauty dahil sa sunod-sunod na nega issue

091014 louise delos reyes

[divider]

ni Roldan Castro

[divider]

MUKHANG ‘nganga’ ang beauty ngayon ni Louise Delos Reyes. Bukod sa Sunday All Stars, wala pa kaming nababalitaang gagawin niyang bagong show.

Pero hindi maitatanggi na nagri-rate ang mga serye ni Louise kaya  tiyak masusundan pa ito, huh!

Medyo naging nega  si Louise nang ma-link siya kay Aljur Abrenica  sa kasagsagan ng kanilang. Pero naiwan siyang ‘nganga’ ngayon dahil idine-deny naman siya ni Aljur nang matapos na ang serye. Kung sabagay, pati siya ay nagdi-deny din.

Dobleng ‘nganga’ inabot ni Louise dahil balitang may bagong girlfriend na ang ex-boyfriend niyang si Enzo Pineda na isang non-showbiza girl.

Naka-move on na si Enzo sa split-up nila ni Louise na pinagbibintangan si Aljur na umano’y third party involved.