Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Ballesteros House

Bahay ni Paolo Ballesteros nakakapagpasaya sa mga netizen

HATAWAN
ni Ed de Leon

IKINUKUWENTO ng isa naming kaibigan na iyon daw bahay ni Paolo Ballesteros sa Antipolo ay napakaliwanag kung gabi dahil sa inilagay niyang Christmas décor na napakaraming ilaw sa paligid ng kanyang bahay, hanggang sa bubong.

“Marami ngang namamasyal kung gabi para makita lamang ang bahay niya. Kung makikita mo kasi iyon, talagang napakasaya, makakalimutan mo kahit na sandali ang hirap ng buhay sa panahong ito ng pandemya. Ang feeling parang iyong COD sa Cubao noong araw, na basta nakita mo ang feeling mo Pasko na talaga kahit na mahirap ang buhay,” sabi pa ng isang kakilala namin.

Nakatutuwa naman ang ginawang iyan ni Paolo, dahil nakapagbibigay siya ng kasiyahan sa maraming tao kahit na tumatanaw lamang sa kanyang bahay. After all kung ano man iyang problema natin, kung gaano man kahirap ang buhay ngayon, hindi naman natin maiiwasang ipagdiwang ang Pasko. Hindi naman kasi iyon pagdiriwang para lamang sa ating sarili, kundi isang pagdiriwang na ginagawa natin para sa
Diyos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …