Saturday , October 12 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Hustisya para kay Ragos

HUSTISYA ang sigaw ng pamilya ni Private First-Class Winston Ragos, ang retiradong militar na walang awang binaril ng opisyal ng pulis dahil sa paglabag sa ipinatutupad na quarantine.

 

Ang nakapatay na pulis ay nagngangalang Police Master Sergeant Daniel Florendo, Jr., at naganap ang pamamaril bandang 2:30 ng hapon sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

 

Umapaw ang galit at pagbatikos ng marami nang lumutang ang video ng walang saysay na pagkakapatay sa sundalo. Bihira lang ang kumakampi sa pulis at sumasang-ayon na dinepensahan lang niya ang sarili sakaling may dalang baril ang nakaharap na sundalo. Ang karamihan ay kumakampi sa kaanak ng namayapang sundalo.

 

May nagsabi naman na ang naganap ay resulta nang direktiba ni President Duterte sa kanyang mga pulis na kung may papalag sa kanila ay “Shoot them dead!” Ano nga naman ang katiyakan na hindi ito mauulit muli sa ibang sundalo, pangkaraniwang tao o sa iyo at mahal mo sa buhay?

 

Para sa kaalaman ng lahat, kinumpirma kasi ng Philippine Army na dating nagserbisyo si Ragos sa militar pero binigyan ng disability discharge noong 2017 dahil lumabas sa pagpapatingin na may post traumatic stress disorder (PTSD) ito.

 

Ito rin ang dahilan kung bakit marami ang hindi sumasang-ayon sa naganap na pagbaril nang dalawang ulit sa biktima, na itinuturing na isang bayani. Sa katunayan ay inilibing ito sa Libingan ng mga Bayani.

 

Mahirap talaga ang buhay ng sundalo kahit wala na siya sa digmaan. Nakipaglaban siya sa mga rebelde at terorista na nais pabagsakin ang gobyerno kaya nakaroon ng war shock at PTSD. Pagkatapos ng lahat ng hirap at pinagdaanan ay magwawakas pala ang buhay niya sa kamay ng isang itinuturing na kakampi sa pagtatanggol sa bayan.

 

Kung ibabatay sa video ng pamamaril, hindi naman kailangang umabot sa pagpapaputok ng baril. May sapat na oras para dis-armahan kung totoong may dalang baril at kung kailangan talagang magpaputok ng pulis, puwede naman na hindi pamatay kundi para kontrolin lamang ang biktima.

 

May PTSD siya, kaya pala makikitang ganu’n na lamang ang pagwawala ng isang lalaki para makiusap na huwag siyang barilin. Ang malinaw, ang biktima ay may bottled water pero wala siyang kalibre 38 tulad nang naulat. Hindi siya armado. Ang mga sundalo ay hindi gumagamit ng revolver.

 

Puwede siyang barilin sa paa halimbawa pero mas ginusto ng pulis na wakasan na lamang ang buhay niya. Hindi dapat pagtakpan o i-whitewash ng Philippine National Police (PNP) ang pamamaril na ito.

 

Pero kung tutusin, ang kaso ay hindi dapat imbestigahan ng kapwa pulis o militar at makabubuting National Bureau of Investigation (NBI) ang magsiyasat para maging parehas at makamtan ng pamilya Ragos ang hinahanap na hustisya.

 

*              *              *

 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

 

 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *