Tuesday , June 9 2026
Firing Line Robert Roque

‘Walang manhunt’ para kay Bato

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

DAPAT tigilan na ni Senador Ronald dela Rosa ang pag-aliw sa sarili sa katagang “walang manhunt”. Kahit hindi pa ito opisyal na tinatawag ng mga awtoridad, malinaw ang direksiyon ng mga pangyayari: paliit nang paliit ang kanyang mundo.

Mahigpit na ang border controls. May mga lead na sinusundan. Kinumpirma na ng Department of Justice ang isang balidong ICC warrant, at tinawag na rin siya ng Office of the Solicitor General na “fugitive from justice”. Sa puntong ito, tila ang kulang na lamang ay ang mismong pagdakip.

At dapat ba siyang arestohin?

Oo.

        Sa kabila ng kalituhan at magkakasalungat na salaysay mula sa magulong eksena sa Senado, malinaw na ang kanyang mga kilos ay yaong sa isang takas na umiiwas sa proseso ng batas. Kumakapit sa mga koneksiyon, umaasa sa kaalyadong politikal, at naghahanap ng proteksiyon habang nagtatago sa likod ng teknikalidad.

Matagal nang kinikilala sa batas na ang pagtakas ay maaaring indikasyon ng pagkakasala o kamalayan dito. Ironiya nga, mismong si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang nagpunto nito noon.

Kung totoo mang umalis siya sa Senado bago magbukang-liwayway upang “maiwasan ang kapahamakan,” malinaw ang lohika: kung may panganib sa kanyang presensiya, ang pagsuko sa hustisya ang tamang paraan upang maiwasan ito.

Sa halip, ang sumunod ay kahiya-hiya.

        Ang Senado — na dapat ay haligi ng demokrasya — ay nauwi sa putukan, magkakasalungat na ulat, at paratang ng itinanghal na karahasan. Inamin ni Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na siya ang unang nagpaputok, kaya makatarungan ang kanyang suspensiyon. Ngunit hindi dapat doon magtapos ang pananagutan. May ulat din na may operatiba ng NBI na nagpaputok. Kung may naparusahan sa Senado, dapat may managot din sa hanay ng NBI.

Mas nakababahala ang posibilidad na ang komprontasyon ay ginamit bilang distraksiyon upang makatakas si Bato. Batay sa prinsipyong “means, motive, and opportunity” may hinalang planado ito.

Lumilitaw din ang pangalan ni Sen. Robinhood Padilla sa umano’y pagtakas. May mga bumabansag dito bilang “Bat and Robin” na tumutukoy sa sinasabing pagtutulungan upang mailabas siya mula sa Senado.

Ang mga ulat tungkol sa yate, chopper, at lihim na plano ay dapat imbestigahan ng PNP, lalo na’t may alegasyong sinamahan pa siya ng mga sasakyan ng pulisya.

Dagdag pa rito, sinabi ni dating PNP chief Nicolas Torre III na ang ICC warrants na dumaraan sa Interpol ay ipinoproseso sa Philippine Center on Transnational Crime sa Camp Crame. Kaya nakapagtataka kung bakit tila umiiwas sa kompirmasyon si Secretary Jonvic Remulla, samantala ang kanyang kapatid na si Ombudsman Boying Remulla ay matagal nang tuwirang nagsasalita tungkol dito.

Malinaw: ang kalitohan at kontradiksiyon ay nagsisilbi lamang sa isang takas na patuloy na nagtatago.

Maaaring “walang manhunt”, Senador Bato. Ngunit paliit nang paliit ang iyong mundo.

At marahil, iyon ang anyo ng hustisya.

Kung dati’y kinatakutan ang mga aninong sumusulpot sa dilim ng drug war, marahil ngayon ay panahon na upang tumulong ang mamamayan sa paghahanap sa isa sa mga itinuturong arkitekto nito.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Editorial

Senado ipungsoy senators pausukan

MARAMI ang nagsasabing dapat ipa-feng-shui ang gusali ng Senado at ‘yung mga senador naman pausukan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tulog na batas sa Senado, ‘wag isisi sa bagong liderato

AKSYON AGADni Almar Danguilan PAANO na ang mamamayang Filipino? Paano na ang mga nakabinbing batas …

Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Panggigipit sa Senado, panggigipit kay Juan dela Cruz

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAKAIBA ang Senado ngayon, magulo dahil lumalabas o unti-unti nang nabubuko …

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …