Friday , October 4 2024

Sa mga kapwa ko gay: lumugar tayo sa dapat natin kalagyan

BIGO mang mapabilang sa Top 20 ang kinatawan ng Spain sa nakaraang Miss Universe, ipinagbunyi naman ng buong LGBTQ community ang makasaysayang pagkakasali ni Angela Ponce sa kabila ng kanyang pagiging isang transgender.

Kung si Angela ang tatanungin, sapat na ang kanyang journey para magkaroon ng kabuluhan ang kanyang pagsali.

Pero kung ang mga dati nating Miss Universe winners ang tatanungin, hati ang opinyon nina Gloria Diaz (1969) at Margarita Moran (1973) sa ideang pahintulutan ang mga transgender na sumali sa pandaigdigang timpalak ng kagandahan.

Kung aprubado ‘yon kay Gloria, Margie believes otherwise. Katwiran ng huli, mayroon na namang beauty pageant para sa mga tulad ni Angela, and possibly for other transgender-aspirants in the future.

Between the two dissenting views ay sumasang-ayon ang inyong lingkod kay Margie. In fairness, with her dissent o ‘di pagsang-ayon ay kalakip nito ang kawalan ni katiting na deskriminasyon o condescension patungkol sa mga transgender.

Advanced lang kami mag-isip.

But we see the possibility na baka mag-set ng precedent ang pagpayag ng pamunuan ng Miss Universe na sumali ang mga transgender.

Posibleng sa 2019, sa muling pagdaraos ng Miss Universe na ang host country ay may kalahok na naman from whichever country na isa na namang transgender.

Walang pag-aalinlangan na taglay ni Miss Spain ang ganda, tindig, at talino ng isang tunay na babaeng kandidata.

Ihilera mo si Angela sa mga berderong sugo ni Eba, daig pa nga niya kung tutuusin ang isang isinalang na babae.

Katwiran ni Gloria, times are changing. Tama naman siya. Pero kasabay ba ng pagbabago ng panahon ang pagbabago sa mga itinakdang alituntunin sa mga beauty pageant strictly for real women?

In the same manner, ‘di ba’t mayroon ding Mr. Universe? Kung ang susundin nating premise ay changing times, aba, isali na rin natin ang mga transmen.

Ang piyesang ito ay hindi anti-gay. We’re gay ourselves na nagsusulong din ng mga karapatan ng mga kapwa namin miyembro ng LGBTQ community.

Sa madaling salita, lumugar tayo sa dapat nating kalagyan. Being gay is not just about being welcome to join beauty pageants.

Sobrang malawak ang “universe” that feminine-looking gay men don’t necessarily have to join Miss Universe (or Miss World) to assert their rights and social acceptance.

And I…thank you!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV …

Alfred Vargas

Alfred napagsasabay pag-aaral at pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo PINAGSASABAY ni Konsehal Alfred Vargas ang pag-arte at pag-aaral. PHD naman ang hangad niyang …

Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWANni Ed de Leon VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *