Wednesday , June 19 2024

‘Pork release’ ni Suarez inilabas ng Kamara

READ: No zero budget tiniyak ni GMA: Lacson ‘nakaamoy’ ng ‘pork’

NAGULAT ang mga reporter sa Kamara kaha­pon nang maglabas ang Press and Public Affairs Bureau ng Kamara ng isang statement ng mga lider ng minorya.

Hindi pa umano ito nangyari sa mga nakali­pas na Kongreso.

“Unprecedented,” ang sabi ng isang reporter.

Nangyari ang insidente kahapon sa gitna ng kontrobersiya sa isyu ng “minority leader” na tinagurian ng opo­sisyon bilang minorya ng mayorya.

Ang statement ni Minority Leader Danilo Suarez na inilabas ng PRIB ay sagot sa banat ni Sen . Panfilo Lacson tungkol sa “pork barrel.”

Walang basehan ang paratang ni Lacson ani Suarez.

Ang statement ni Suarez: “The fears being raised by Senator Lacson are unfounded. We are always guided by the Supreme Court decision and we will make sure that we comply with the High Court’s ruling.”

Ayon naman kay Deputy Minority Leader Lito Atienza: “Sen. Lacson seems to know all kinds of pork. But pork is not bad except those full of cholesterol and those that went to the hands of Mrs. Na­poles…”

Wala naman, ani Atienza, na masama kung manghingi ang mga kongresista ng “equal development” para sa kanilang distrito. Tra­baho aniya nila ito.

Ang masama, ani Atienza, ang mga pondo sa panahon ni Janet Lim Napoles.

Si Lacson, aniya, ay puro “pork” ang iniisip.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

061924 Hataw Frontpage

Sa isinumiteng liham sa PAOCC  
MAYOR ALICE GUO IGINIIT INOSENTE VSMGA AKUSASYON

HATAW News Team UMAPELA nang patas na imbestigasyon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …

Sta Maria Bulacan

Pagala-gala sa mga barangay
TIRADOR NG MGA KAWAD AT BISIKLETA, TIMBOG

HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin ng mga awtoridad matapos maaktuhang kinukulimbat ang  …

Bulacan Police PNP

11 tulak, 4 wanted na criminal, 7 ilegal na manunugal arestado ng Bulacan PNP

LABING-ISANG personalidad sa droga, apat na wanted na mga kriminal, at pitong iligal na manunugal …

Yayo Aguila Padyak Princess

Yayo naiyak habang pinag-uusapan ang pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales IYAKIN si Yayo Aguila kapag tungkol sa pamilya ang involved. “Alam mo madalas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *