Sunday , March 26 2023
Rida Robes, Kamara, Congress, money, NHA

Naalarma sa maliit na budget
P50-B PONDO PARA SA KAKULANGAN SA PABAHAY ISINULONG

MATAPOS maalarma sa mababang budget na inilaan sa pabahay, isinulong ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes ang pagpasa ng panukalang paglalaan ng P50 bilyong makalulutas sa lumalalang kakulangan sa proyektong pabahay sa buong bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa Habitat for Humanity Philippines Housing Summit kamakailan, sinabi ni Robes na isusulong niya ang agarang pag-aproba sa pinagsamang panukalang batas na magkakaloob sa pagpapaunlad, produksiyon, at paglalaan ng pondo sa proyektong pabahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng P50 bilyon budget kada taon para sa konstruksiyon ng pabahay sa buong bansa.

Sinabi ni Robes, vice chairperson ng House Committee on Housing and Urban Development, nasa proseso ang komite ng pagsasapinal ng pinagsamang panukalang batas na lilikha ng P50 bilyon taunang pondo na kilala bilang National Housing Development and Production Fund. Ang pondo aniyang ito ay para sa pagtugon sa halaga ng pagtatayo ng pabahay na ipatutupad sa loob ng 20-taon sa oras na maging epektibo na ang batas.

“The consolidated bill will allot P50 billion as initial seed money for the financing of public housing, resettlement program, government employees housing, subsidy for informal settlers, amortization support, housing program for calamity victims, among others. It’s already in the final stages before the committee approves the final version of the proposed measure and we will work to have it approved before the current session adjourns,” pahayag ni Robes.

Naging bunsod ng naturang panukala ang ginawang pag-aproba ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa House Resolution 1677 na nagdeklara ng krisis sa pabahay sanhi ng inilabas na ulat ng pamahalaan na nangangailangan  ng kabuuang 6,796,910 units ng pabahay sa buong bansa.

Giit ni Robes, kung walang wastong panghihimasok na gagawin para malutas ang problema sa pabahay, lolobo sa bilang na 22 milyong units ang kakulangan pagsapit ng taon 2040 dahil aabot lamang sa .74 porsiyento ang kabuuang inilalaang budget para tugunan ang kakulangan nito.

Idinugtong ni Robes, dahil sa maliit na budget na inilalaan dito, hindi nakapagtataka kung ang pamahalaan at pribadong sektor ay nakapagtayo lamang ng 777,879 housing units mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo ng taong 2020.

“With such budget, it is estimated that the government can only build around 2,000 out of some 1.8 million homes it plans to build for informal settlers by 2022. This was confirmed by National Housing Authority (NHA) chief Marcelino Escalada, Jr., himself in a recent budget hearing. This is very alarming indeed and Congress should step in to reverse this to ensure that every Filipino family, especially the underprivileged, will have a decent house they can call their home,” saad ni Robes.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …