Saturday , July 27 2024
kamara, Congress, Meralco, Money

Prankisa ng Meralco puwedeng kanselahin kahit sa 2028 pa mapapaso — solon

IPINAREREPASO ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang prankisa ng Manila Electric Company (Meralco) sa gitna ng patuloy na pagtaas sa singil sa koryente.

Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Rep. Marcoleta na dapat nang suriin at repasohin ng Kongreso ang prankisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso.

“Ngayon pa lang, Mr. Speaker, ay dapat na nating suriin ang prankisa ng Meralco na alam kong may bisa pa hanggang 2028. Hindi naman kailangan hintayin pa nating mag-expire ang kanilang prankisa dahil maaari itong ipawalang-bisa o kanselahin ng Kongreso kapag nagkaroon ng paglabag sa alinmang termino o probisyon sa batas ng kanilang prankisa —  ang Republic Act 9209,” pagbibigay-diin ng kongresita.

Ayon kay Marcoleta, nakasaad sa Section 4 ng prankisa ng power distributor na “dapat mag-supply ang Meralco ng koryente sa ‘captive market’ nito sa pinakamurang kaparaanan at dapat itong magpatupad ng ‘reasonable, just and competitive’ power rates sa lahat ng uri ng customers nang sa gayon ay makapag-compete ang mga negosyo at industriya.”

Sinabi ng kongresista na ang mataas na singil sa koryente ay isang mabigat na alalahanin na pinapasan ng mga mamamayan sa napakatagal nang panahon kaya dapat na itong tuldukan lalo ngayong patuloy na nahaharap sa pandemya ang bansa.

Aniya, dapat nang amyendahan ang Section 10 ng RA 7832 upang tuluyan nang maalis ang tinatawag na ‘system loss’ dahil hindi naman kasalanan ng mga consumer ang pagkawala o pagkanakaw ng koryente.

“Ito po ay tinatawag na ‘element of risks’ na alam

na alam naman po ng mga kompanya na may kinalaman sa negosyo ng koryente. Ang ‘system loss’ ay dapat balikatin ng kompanya ng koryente — hindi po ng mga konsumer,” paliwanag ng mambabatas.

Binigyang-diin niya na halos P23 bilyon bawat taon ang net income o malinis na kita ng Meralco kaya hindi nito iindahin ang pag-aalis sa ‘system loss’

“Maliit na kurot lamang po ito, Mr. Speaker, kung ikokompara sa napakalaking tinutubo ng Meralco,” dagdag niya.

Bukod dito, pinaaalis din ni Marcoleta ang pagbabayad ng local franchise tax sa bill sa koryente. Aniya, hindi ito dapat ipapasan sa mga consumer dahil mali ang basehan nito.

“The franchise tax is computed from the aggregated total of generation, transmission, and distribution charges already paid by the consumers, in addition to system loss, metering charges, subsidies, and current property tax. Seventy five percent of the total cost of these component charges is shouldered by the consumers and, the distribution utility that owns and applied for the local franchise pays only 25%. Hindi po makatatungan ito.”

Hiniling din ni Marcoleta sa Commission on Audit (COA) ang pag-audit sa mga libro ng Meralco dahil sa tila pagkakaiba sa energy generation supply purchases ng Meralco tulad ng iniulat sa Energy Regulatory Commission (ERC) at sa mga consumer, kompara sa purchase power na idineklara nito sa kanilang financial report.

“While these discrepancies may yield to several conclusions, the bottom line suggests that the consumers are overcharged in billions of pesos annually based on our preliminary findings covering the last several years,” sabi ni Marcoleta.

About hataw tabloid

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Dolomite Beach Manila Bay Reclamation

Pagbaha sa Pasay hindi dahil sa reclamation sa Manila Bay — eksperto

TAHASANG pinasubalian ng isang eksperto na hindi reklamasyon sa Manila Bay ang direktang dahilan ng …

Pasay Baha Ulan Carina basura

Tone-toneladang basura sinisi ng LGU sa baradong  drainage system at baha

SINISI ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang tambak-tambak na basurang nakabara sa mga daluyan ng …

BBM Bongbong Marcos Nicanor Briones

Kongresista desmayado  
SONA ni BBM walang binanggit sa anti-agri economic sabotage

NAKULANGAN si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na ikatlong State of the Nation …

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

CEBU CITY, Philippines – The Visayas leg of the Department of Science and Technology’s (DOST) …