Thursday , March 30 2023
DoE, Malampaya

Sa Malampaya consortium
BINTANG NG DOE KINASAHAN NI GATCHALIAN

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang paratang ng Department of Energy (DOE) na inaantala ng Senado ang timeline ng work program ng Malampaya consortium sa pagbusisi sa mga bentahan ng shares sa Malampaya gas field.

“Hindi tamang akusahan ang Senado na nagiging dahilan ng pagkaantala ng anomang timeline o work program ng consortium sa Malampaya. Kabilang sa mga tungkulin namin ang panagutin ang mga ahensiya ng gobyerno sa mga kaduda-dudang transaksiyon,” ani Gatchalian.

“Ang work program na may sinusunod na timeline ay commitment ng consortium sa gobyerno. Samakatuwid, kasama sa responsibilidad ng consortium ang pagtupad sa pangakong ito at kung mayroon mang pagkaantala sa pagtupad sa kanilang work program ay responsibilidad na ng DOE na panagutin ang consortium. Bakit Senado ang sinisisi?” tanong ni Gatchalian.

Ang bentahan sa pagitan ng Chevron at Udenna ay naisara noong Marso 2020 at noong Abril ng kasalukuyang taon lamang inaprobahan ng DOE ang nasabing transaksiyon.

Matatandaan, noong Oktubre 2020 naghain ng Senate Resolution No. 553 si Gatchalian kasama sina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Panfilo Lacson upang siyasatin ang plano at mga programa ng DOE sa gitna ng napipintong pagtatapos ng kontrata ng Malampaya.

Nakapagsagawa ang Senate Energy Committee sa pangunguna ni Gatchalian ng tatlong pagdinig at binusisi ang mga dokumentong isinumite ng DOE na may kinalaman sa nasabing transaksiyon.

“Kami sa Senado ay tumutupad lamang sa aming oversight functions bilang bahagi ng check and balance mechanism sa gobyerno sa kadahilanang malaki ang papel ng Malampaya sa pagsisiguro ng supply ng enerhiya sa ating bansa,” ayon sa Chairperson ng Senate Energy Committee.

“Filipino consumers rin po kami, kaya karapatan po namin magtanong at panagutin kung mayroon mang nagkasala,” aniya.

Naghain si Gatchalian ng isa pang resolusyon, ang SRN 724, dahil sa kawalan ng katiyakan sa kahihinatnan ng nasabing gas project na unti-unti nang natutuyuan ng supply.

Sa kanyang resolusyon, binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagsasapubliko ng DOE sa plano ng gobyerno na magsisiguro ng tuloy-tuloy na supply ng enerhiya sa buong bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …