Sunday , November 10 2024

Pondo ng regalong pera kinuwestiyon

SAAN kaya nagmula ang pondo sa pera na iniregalo umano sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na inianunsiyo kamakailan ni  police Director-General Ronald dela Rosa?

Sa Christmas party ng pulisya ay binanggit ni Dela Rosa na ang matataas na opisyal ay makatatanggap daw ng cash gifts mula P50,000 hanggang P400,000 ang halaga mula kay President Duterte.

Masayang ipinahayag ni Dela Rosa sa mga kapwa niya mataas na opisyal  na kunin ang pamasko galing sa Pangulo dahil mahal na mahal niya ang PNP. At dahil love raw ni Duterte ang mga pulis ay masaya silang lahat.

Pero kataka-taka na nagbago ang ihip ng hangin makalipas ang isang araw dahil biglang binawi ni Dela Rosa ang kanyang sinabi. Wala raw cash bonus na magmumula sa Palasyo.

Sa kabila nito, isang opisyal ng PNP ang umamin na natanggap niya ang bonus na nagmula raw sa Malacañang.

Isa si Senator Panfilo Lacson sa nagduda sa pinagmulan ng pondo at may punto siya para kuwestyonin ito.

Halimbawa nga naman na nagmula ang pondo sa gobyerno ay magiging isyu kung paano ito ili-liquidate.

Kung sa pribadong sektor naman ito nanggaling ay may isyu pa rin dahil ipinagbabawal sa kanila ang tumanggap ng regalo.

Huwag din natin kalilimutan na ang intelligence funds ay hindi magagamit para pondohan ang bonus na matatanggap ng mga naglilingkod para sa gobyerno.

Wala tayong personal na galit sa sino mang pulis. Batid natin ang hirap na kanilang sinusuong lalo na at kadalasan ay buhay ang kanilang itinataya sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kung nais ng Pangulo na magbigay ng bonus sa PNP ay karapatan niya iyon, hangga’t ang lahat ay daraan sa wasto at legal na pro-seso.

Hindi maiiwasan na maging mainit ang mata ng maraming mamamayan sa mga pulis dahil sangkaterbang buhay na ang nawala sa mga sinasabi nilang lehitimong anti-drug operations.

Ang laging katuwiran nila ay lumaban daw ang mga suspek kaya kinailangang barilin. Sa katunayan, kahit nga alkalde na nakakulong sa piitan ay hindi nakaligtas dahil lumaban daw sa kanilang operasyon.

At dahil utos ni Duterte na labanan ang ilegal na droga, naniniwala siya at sinusuportahan ang mga pahayag ng pulis na lumaban ang suspek kaya siya napatay.

Dahil dito, sa tingin ng marami ay sobra-sobra na ang pag-iingat at pangangalaga na ibinibigay ng Pangulo sa pulisya, lalo marahil kung pauulanan pa niya ng sangkaterbang bonus.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *