Wednesday , December 11 2024

Ravena, Valdez Kumita ng P500,000 para sa mga nasalanta ng bagyo

122815 fastbreak charity volleyball
PAREHONG natuwa ang dalawang pambatong atleta ng Ateneo de Manila na sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez sa suporta ng mga kaibigan nila sa UAAP basketball at volleyball sa charity game na FASTBR3AK na ginanap noong Disyembre 23 sa The Arena sa San Juan.

Kumita ng P500,000 sina Ravena at Valdez at ibinigay nila ang halaga sa Philippine National Red Cross sa pangunguna ni Tserman Richard Gordon para sa mga nasalanta ng bagyong Nona na tumama sa Samar, Mindoro at Sorsogon.

Nanalo ang Red Team ni Valdez kontra sa Green Team ni Ravena, 22-25, 25-21, 30-28.

Ilan sa mga manlalarong nakasama nina Ravena at Valdez ay sina Gretchen Ho, Michelle Gumabao, Jaja Santiago, Charo Soriano, Denden Lazaro, Gelo Alolino, Richard at Russell Escoto, Kevin Ferrer, Bang Pineda, Jem Ferrer, Ella de Jesus, Michelle Morente at ang aktres na si Yayo Aguila.

“Importante nakakatulong kami sa tinamaan ng bagyo, ’di lang kami masaya sa Christmas sila rin, kahit papaano makaka-uplift ng spirit,” wika ni Ravena.

Marami ang nagulat sa mahusay na paglalaro ng volleyball ng magkapatid na Escoto dahil dati silang mga volleyball players noong high school bago sila nag-basketball sa Far Eastern University na nagkampeon sa UAAP kamakailan.

Pagkatapos ng Kapaskuhan at Bagong Taon ay mag-e-ensayo uli si Ravena sa Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa kanyang pagpasok sa 2016 PBA Rookie Draft habang pangungunahan ni Valdez ang kampanya ng Ateneo Lady Eagles sa pagdedepensa ng kanilang titulo sa UAAP women’s volleyball na magsisimula sa Pebrero. ( James Ty III )

About James Ty III

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *