Thursday , June 25 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Nagulungan ng 2 truck na kargado ng buhangin lady rider todas sa Ortigas

Dead Road Accident

PATAY ang isang 31-anyos babaeng rider nang magulungan ng isang 12-wheeler truck at isang dump truck sa Ortigas Flyover Southbound patungo sa direksiyon ng Meralco Avenue, sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng gabi, 27 Abril. Pahayag ng driver ng 12-wheeler truck na may kargang buhangin, binabagtas niya ang kalsadang patungong Pasig mula Pampanga, nang makarinig siya ng kalabog. Nang …

Read More »

Noong tumakbong mayor
SINALAKAY NA KTV BAR HEADQUARTERS NI DEFENSOR

042826 Hataw Frontpage

HATAW News Desk INIHAYAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang kaugnayan ng dating mambabatas na si Mike Defensor sa sinalakay na Chicago KTV Bar at Bleu Hotel. Kasabay nito, binigyang-diin na ‘trabaho’ at walang halong politika ang inilunsad na operasyon. Sa kanilang surveillance, sinabi ni Matibag, ginamit na headquarters para sa ‘PR’ ni Defensor ang Chicago …

Read More »

Goitia Suporta kay Sec. Gibo Teodoro: Maninindigan Tayo

Goitia

Sa panahong nangangailangan ang bansa ng malinaw at matatag na tindig, binigyang-diin ni Secretary of National Defense Gilberto “Gibo” C. Teodoro Jr. na ang mga paratang na walang sapat na ebidensya ay walang puwang sa mga usaping pinamamahalaan ng pandaigdigang batas. Kasabay nito, iginiit niya ang pangangailangang ipagtanggol ng Pilipinas ang kanyang mga lehitimong karapatan. Sa pagtanggi sa alegasyon ng …

Read More »

Ninakaw na motorsiklo ipinatutubos sa may-ari kawatan tiklo sa Rizal

Motorcycle Hand

ARESTADO ang isang 25-anyos lalaki sa bayan ng Teresa, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado, 25 Abril, matapos singilin ang may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw upang isauli ito. Sa imbestigasyon ng Antipolo CCPS, ipinarada ng biktima ang kaniyang motorsiklo sa harap ng kanila ng bahay sa Brgy. Dela Paz, sa nabanggit na lungsod, nitong Biyernes, 24 Abril, …

Read More »

Sa Marikina City
Truck sumalpok sa tindahan ng manok 2 patay, 6 sugatan

Dead Road Accident

BINAWIAN ng buhay ang dalawang indibiduwal habang sugatan ang anim na iba pa matapos bumangga ang isang truck na pinaniniwalaang nawalan ng preno, sa isang tindahan ng manok sa bahagi ng A. Bonifacio Ave., Bgry. Barangka, sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Abril. Ayon sa Marikina CPS, ang mga namatay sa insidente ay isang 9-anyos na batang lalaki at …

Read More »

Sa Zambales,  
Tindero nagsuko ng mga puslit na yosi

Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

ISANG lokal na tindero ang kusang-loob na nagsuko ng mga hindi binayarang buwis at ipinuslit na sigarilyo sa himpilan ng pulisya sa Sta. Cruz, Zambales nitong Sabado ng tanghali, 25 Abril. Bunga ito ng pinaigting na kampanya ng Police Community Relations (PCR) personnel at mga intelligence operatives ng Sta. Cruz MPS, na patuloy na nagsasagawa ng information drive hinggil sa …

Read More »

Sa Mariveles, Bataan
5 timbog sa peke, tampered na tangke ng LPG

Mariveles Bataan Fake tampered LPG

NASAKOTE ng mga awtoridad ang limang indibiduwal sa isang operasyon laban sa mga ilegal na bentahan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan kasunod ng mga ulat ng hindi awtorisadong pamamahagi ng mga tampered at pekeng tangke ng LPG. Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na elemento ng RSOG-RID3, CIDG Bataan PFU at Mariveles MPS matapos …

Read More »

Martin Romualdez ikakanta si Bongbong na ‘utak’ ng flood control project scam

Sipat Mat Vicencio

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magdadahan-dahan ang mga tauhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa patuloy na panggigipit kay dating Speaker Martin Romualdez, malamang na mapilitan na rin ibulgar na mismong ang pangulo ang ‘utak’ ng flood control project scam. Kung tutuusin, tinumbok na mismo ni Martin ang kanyang pinsang si Bongbong na may kinalaman sa sinasabing 2025 budget …

Read More »

Rollback sa presyo ng petrolyo ‘tinatsani’

Dragon Lady Amor Virata

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI nasisiyahan ang taong-bayan sa mabagal na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, kung meron man ay P2 lamang at matagal bago umulit.          ‘Tsaning-tsani’ ang rollback pero ang price hike, mas malakas pa ang sirit sa petrolyo.          Ano na ba ang nangyayari sa ating gobyerno? Kumusta naman ang Department of Energy …

Read More »

Margaret Diaz, aminadong wild na wild sa VMX movie na “Barurot 2”

Margaret Diaz Barurot 2

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGSASABOG ng kakaibang pampagana ang hot na hot na sexy actress na si Margaret Diaz. Mapapanood siya sa pelikulang “Barurot 2” na sinasabing most daring movie ng dalaga. Sa mediacon ng nasabing pelikula, inusisa ang sexy actress kung pangangatawanan na ba niya talaga ang pagiging Bagong Pantasya ng Bayan. “Grabe! Ang bigat po ng title …

Read More »

Direk Jun masaya sa success ng premiere night ng bagong advocacy film

Jun Miguel Ang Bagong Munting Misyon Gabay ng mga Anghel

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-si direk Jun Miguel sa matagumpay na premiere night ng kanyang  advocacy film na Ang Bagong Munting Misyon: Gabay ng mga Anghel ng kanyang DreamGo Casting Productions and Services. Post ng direktor sa DreamGo Casting Productions and Services FB page, “A powerful and unforgettable night as supporters and moviegoers gathered in full force for the red carpet and premiere night of ANG …

Read More »

Ogie may madamdaming mensahe sa kaarawan ng asawang si Regine

Regine Velasquez Ogie Alcasid

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng Ika-56 birthday si Regine Velasquez- Alcasid kamakailan kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Sa kanyang Instagram ay nag-post ng larawan nila si Ogie na may very heartfelt message para sa kanyang mahal na mahal na asawa at sinaliwan ng kanta niyang Ikaw Lang, Mahal. May caption iyong, “Happy birthday to the one that brings sunshine into my life. “The …

Read More »

Kris Lawrence abala sa new single at US Concert Tour

Kris Lawrence

MATABILni John Fontanilla EXCITED para sa kanyang US concert tour ang RNB singer na si Kris Lawrence. Kuwento ni Kris, “May US tour ulit po ako starting June… 6 cities—Aruba, San Francisco, Victoria BC, Sacramento, Lloydminster. “Solo concerts and guest ko si Lil Eddie (kumanta ng ‘Statue’).” Bukod sa US concert ay abala rin si Kris sa nalalapit na launching ng …

Read More »

CapHeath pakilig ang unang serye sa GMA

Youre My Favorite Song CapHeath Caprice Cayetano Heath Jornales

I-FLEXni Jun Nardo ISANG romantic drama series ang gagawin ng tambalang CapHeath o Caprice Cayetano at Heath Jornales. Unang nabalita na isang family drama ang pagsasamahan nila. Eh malakas ang clamor na isang may pakilig ang gawin nila.’ So, ito ang gagawin ng GMA Public Affairs sa You’re My Favorite Song na si JP Habac ang director. Todo pasasalamat ng CapHeath faneys sa pagdinig ng GMA sa hiling nila para sa …

Read More »

Ice sa Pagdating ng Panahon: mahirap muling i-record ang kantang unang kinanta

Ice Seguerra

I-FLEXni Jun Nardo REUNITIED si Ice Seguerra at ang Vicor Music para i-celebrate ang 25 years ng kantang Pagdating Ng Panahon at ang bagong version nito ay ini-record at inilabas na sa lahat ng streaming platforms nitong Abril 20. One of the most loved songs ang Pagdating Ng Panahon na may version si Sharon Cuneta at naging title ng movie nila ni Senator Robin Padilla. Sa pagharap sa media ni Ice, …

Read More »

Neophyte 26’ isang wake-up call laban sa hazing

Neophyte 26 Derrick Monasterio Elle Villanueva

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang nais iparating ng istorya ng Neophyte 26’ na produced ng Empowerment Film Productions at Spring Fairy Entertainment Productions at pinagbibidahan nina Derrick Monasterio, Elleo Villanueva, Jan Lucas, at Angelica Jones. Ang pelikula ay naglalantad sa katotohanan sa likod ng buhay fraternity gayundin ng matinding drama at mga aral sa buhay sa pamilya. Tungkol din ito sa katapangan na nagsisilbing wake …

Read More »

Enrique suportado ng fans sa pakikipagtambal kay Andrea

Enrique Gil Andrea Brillantes A Secret in Prague

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KOMPORTABLE, masaya, pamilya. Ito ang tiniyak ni Enrique Gil sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Bukod pa na isang romantic-comedy ang pagbabalik-seryeng pagbibidahan niya. Nasunod ang lahat ng ito sa romantic-comedy series na A Secret in Prague na pagbibidahan nila ni Andrea Brillantes. Masayang-masaya si Enrique sa kanyang pagbabalik-television via TV5 na first time niyang makakatrabaho si Andrea. “Dito ako in a way, nasanay, eh. So, …

Read More »

Shaina sa pagtatrabaho sa TV5: kahit saan ako dalhin ‘di na mawawala sa DNA ko ang pagiging Kapamilya

Ai-Ai de las Alas JM de Guzman Shaina Magdayao My Bespren Emman.

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG-MASAYA sina Ai-Ai de las Alas, JM de Guzman, at Shaina Magdayao dahil for the first time magkakatrabaho sila at ito ay sa upcoming TV5 series na My Bespren Emman. Blessing ngang maituturing ni Ai Ai na ipinahiram siya ng GMA 7 sa TV5 kaya naman ganoon na lamang ang kanyang tuwa. Dagdag pa na muli niyang makakasama si Shaina at first time namang makakatrabaho …

Read More »

Neophyte ’26 matinding intriga, emosyon, at katotohanan, magpapayanig sa manonood

Neophyte 26 Derrick Monasterio Elle Villanueva Angelica Jones Angelo Alday

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ang pelikulang Neophyte ’26 hindi dahil sa kilig o drama, kundi sa matapang nitong pagtalakay sa madilim na realidad ng hazing at peer pressure. Bida sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Jon Lucas, Angelica Jones,  Angelo Alday at marami pang iba. Simula pa lang, ramdam mo na agad na hindi ito pangkaraniwang pelikula.  Mapapa-“grabe!” ka sa bigat ng tema, pero kasabay nito …

Read More »

Pecson Namuno sa 1-2-3 na pagtatapos ng PHI Duathlon sa Singapore

Maynard Tecson Merry Joy Trupa Duathlon TriPhil

NAMAYAGPAG si Maynard Pecson matapos makabawi mula sa hindi magandang performance sa national age group duathlon championships dalawang linggo na ang nakalipas, sa pamamagitan ng pag-angkin ng unang puwesto sa T100 Singapore Duathlon 2026 duathlon event. Bahagi ng prestihiyosong T100 Triathlon World Tour 2026—isa sa pinakamalalaking multisport na kaganapan sa Asya ngayong taon. Pumangalawa sa pangkalahatang talaan si Franklin Yee, …

Read More »

Malabunga, Marasigan, Schnake idinagdag sa All-Star cast

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

MAY pagbabago sa lineups ng 2026 Volleyball All-Star Showcase na gaganapin sa Mayo 1 sa Candon City Arena, kung saan may tatlong bagong manlalaro na papalit sa mga umatras. Opisyal nang isinama sina Kim Malabunga at Ysay Marasigan ng Criss Cross, kasama si Jared Schnake ng AEP-Cabstars, bilang kapalit sa mga orihinal na napiling manlalaro para sa event ng Spikers’ …

Read More »

Ipinagmamalaki ng PFF ang Pag-angat ng Filipinas, Inilatag ang Plano para sa World Cup

PFF FIFA Philippine womens national team

KASUNOD ng matagumpay na pagkuwalipika ng Philippine women’s national team’s sa 2027 FIFA Women’s World Cup, binigyang-diin ng Philippine Football Federation (PFF) ang malinaw na layunin ng Filipinas na makipagkumpitensya at ang sistematikong balangkas ng kanilang paghahanda, gaya ng inilahad ng head coach na si Mark Torcaso. Matapos ang matagumpay na kampanya sa 2026 AFC Women’s Asian Cup, kung saan …

Read More »

MUREC naghatid ng pag-asa at pagmamalasskit sa Bahay Tuluyan ng mga Bata sa Cavite

MUREC naghatid ng pag-asa at pagmamalasskit sa Bahay Tuluyan ng mga Bata sa Cavite

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Buong pusong nagkaisa sa layuning tumulong at magbigay pag-asa, matagumpay na nagsagawa ng community outreach ang Magiting Unang Republika Eagles Club (MUREC) noong 24 Abril 2026 sa Bahay Tuluyan ng mga Bata (Home for the Girls) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD Region IV-A). Layunin ng aktibidad na maghatid hindi lamang ng …

Read More »

Rep. Brian Poe isinusulong In-City Housing bilang proteksiyon ng karapatan ng urban poor sa isang National Sectoral Assembly

Brian Poe

NANAWAGAN si FPJ Panday Bayanihan Representative  Brian Poe ng agarang reporma sa polisiya sa pabahay, na nagbibigay-diin sa in-city resettlement, legal na proteksiyon para sa mga residente, at maayos na kalagayan ng pamumuhay para sa mga komunidad ng urban poor, sa ginanap na Congress of KAMPILAN sa Quezon City. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga kinatawan mula sa iba’t …

Read More »