Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Sa Marikina City
Truck sumalpok sa tindahan ng manok 2 patay, 6 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang dalawang indibiduwal habang sugatan ang anim na iba pa matapos bumangga ang isang truck na pinaniniwalaang nawalan ng preno, sa isang tindahan ng manok sa bahagi ng A. Bonifacio Ave., Bgry. Barangka, sa lungsod ng Marikina, nitong Sabado, 25 Abril.

Ayon sa Marikina CPS, ang mga namatay sa insidente ay isang 9-anyos na batang lalaki at 26-anyos na binata.

Samantala, kabilang sa anim na sugatan ang driver at pahinante ng truck, 7-anyos at 11-anyos na mga batang lalaki, 33-anyos lalaki, at 59-anyos babae.

Damay din sa insidente ang iba pang mga sasakyan kabilang ang isang Toyota Wigo, dalawang Toyota Fortuner, at isang Isuzu Rebuilt.

Sa paunang imbestigasyon ng Marikina CPS, naganap ang insidente dakong 11:00 ng umaga kamakalawa habang binabagtas ng Toyota Wigo ang outer lane ng A. Bonifacio Avenue.

Biglang lumitaw ang truck sa likod at bumangga sa kaliwang bahagi ng Wigo, saka bumangga din sa kaliwang bahagi ng Fortuner na bumibiyahe sa parehong kalsada patungo sa kabilang direksiyon.

Dahil sa lakas ng pagbangga, sumalpok pa sa isang Fortuner ang naunang Fortuner na bumibiyahe sa parehong direksiyon.

Sa kabila nito, patuloy ang truck sa pag-abante hanggang tamaan ang likuran ng isang Isuzu Rebuilt, at mabangga at masira ang isang bollard sa tabing kalsada pati na ang ilan sa mga biktima bago tuluyang sumalpok sa tindahan ng manok.

Agad na dinala ang mga biktima sa pagamutan habang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck.

         Hindi nabanggit sa ulat kung ilan ang namatay o napinsalang manok.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidenteng nagdulot ng masikip na trapiko sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …