NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babae at kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa pinaniniwalaang kaso ng parricide sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 26 Abril.
Ayon sa Tanay MPS, natagpuan ang katawan ng ina ng lalaki na bumisita sa kanilang bahay sa Brgy. Wawa, dalong 9:00 ng umaga kahapon.
Walang sumasagot sa kaniyang mga katok kaya napagdesisyonan niyang pumasok na sa bahay ng anak.
Laking gulat ng ina ng lalaki nang makita ang naliligo sa dugong katawan ng kaniyang manugang habang nakabigti ang sariling anak gamit ang isang itim na lubid.
Agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nag-ulat ng insidente sa mga awtoridad.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinitingnan ang posibilidad na away mag-asawa ang motibo sa krimen matapos isalaysay ng isang saksi ang narinig na pagtatalo ng mag-asawa nitong Sabado, 25 Abril, bago matagpuan ang mga bangkay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad bago mailabas ang dahilan ng pagkamatay ng asawang babae at kung may armas na ginamit sa insidente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com