MATABIL
ni John Fontanilla
NAGDIWANG ng Ika-56 birthday si Regine Velasquez- Alcasid kamakailan kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa kanyang Instagram ay nag-post ng larawan nila si Ogie na may very heartfelt message para sa kanyang mahal na mahal na asawa at sinaliwan ng kanta niyang Ikaw Lang, Mahal.
May caption iyong, “Happy birthday to the one that brings sunshine into my life.
“The one person that supports me and corrects me with complete honesty and always prays for me.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com