Thursday , June 4 2026
Maynard Tecson Merry Joy Trupa Duathlon TriPhil
INANGKIN ni Maynard Tecson ang unang puwesto sa T100 Singapore Duathlon 2026. Si Merry Joy Trupa sa women’s division, nakuha ang unang puwesto sa pangkalahatan at ang gintong medalya sa female 20–24 age category. Pumangalawa sa pangkalahatang talaan si Franklin Yee. MASAYA ang Philippine Duathlon Team kasama si TriPhil president Tom Carrasco Jr. (kanan) at coach Melvin Fausto. (TriPhil photos)

Pecson Namuno sa 1-2-3 na pagtatapos ng PHI Duathlon sa Singapore

NAMAYAGPAG si Maynard Pecson matapos makabawi mula sa hindi magandang performance sa national age group duathlon championships dalawang linggo na ang nakalipas, sa pamamagitan ng pag-angkin ng unang puwesto sa T100 Singapore Duathlon 2026 duathlon event.

Bahagi ng prestihiyosong T100 Triathlon World Tour 2026—isa sa pinakamalalaking multisport na kaganapan sa Asya ngayong taon.

Pumangalawa sa pangkalahatang talaan si Franklin Yee, na dating naging mahigpit na katunggali ni Pecson, habang si Robin Banados ng Go For Gold ang nagtamo ng ikatlong puwesto upang kumumpleto sa podium finish.

Samantala, nanaig mula simula hanggang wakas ang nangungunang Filipina duathlete na si Merry Joy Trupa sa women’s division, kung saan nakuha niya ang unang puwesto sa pangkalahatan at ang gintong medalya sa female 20–24 age category.

Ang Team Philippines ay sinuportahan ng Pia in Action (PIA) at ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nasungkit ni Pecson ang gintong medalya sa 25–29 age bracket, habang si Yee ay nagkamit din ng ginto sa 20–24 category.

Tinapos ni Pecson ang 6K run / 32K bike / 3K run sa oras na 1 oras, 26 minuto at 28 segundo (splits: 21:26 / 51:45 / 11:53).

Nagtala si Yee ng oras na 1:29:09, samantalang si Banados, isang Cebuano at sinuportahan ng Go For Gold program ni Jeremy Go, ay nagtapos sa oras na 1:34:53.

Si Trupa ay nagtala ng 1 oras, 35 minuto at 56 segundo, at nalampasan ang halos 600 kalahok, kung saan tinalo niya ang lahat maliban sa sampu. (TriPhil/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …