Wednesday , June 24 2026
Ice Seguerra

Ice sa Pagdating ng Panahon: mahirap muling i-record ang kantang unang kinanta

I-FLEX
ni Jun Nardo

REUNITIED si Ice Seguerra at ang Vicor Music para i-celebrate ang 25 years ng kantang Pagdating Ng Panahon at ang bagong version nito ay ini-record at inilabas na sa lahat ng streaming platforms nitong Abril 20.

One of the most loved songs ang Pagdating Ng Panahon na may version si Sharon Cuneta at naging title ng movie nila ni Senator Robin Padilla.

Sa pagharap sa media ni Ice, tinanong namin ang feeling niya noong unang recording ng iconic song at nitong ini-record niya na wala na ang Mommy Caring at Daddy Dick niya.

Galing ako sa school noon. Inaantok at pagod. Kinanta ko lang at hindi iniisip na magiging hit song ito,” sabi ni Ice.

Eh last February niya muling ini-record ang hit song niya na wala na ang magulang niya.

Iba rin ang feeling ko. Basta inisip ko na nandiyan lang ang mommy at daddy ko na nakatingin sa akin, prouder.

“Pinalabas ko ang mga tao sa studio. Pinatay ko ang ilaw at natapos nang maayos. Mahirap na  muling i-record ang kanta na una mong kinanta,” pahayag ni Ice.

Kasama ang bagong version ng Pagdating Ng Panahon sa EP na mapakikinggan na ng mga Gen Z. May iba pang kantang nakapaloob sa EP.

Congratulations, Ice!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …