Thursday , June 4 2026
Neophyte 26 Derrick Monasterio Elle Villanueva

Neophyte 26’ isang wake-up call laban sa hazing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAGANDA ang nais iparating ng istorya ng Neophyte 26’ na produced ng Empowerment Film Productions at Spring Fairy Entertainment Productions at pinagbibidahan nina Derrick Monasterio, Elleo Villanueva, Jan Lucas, at Angelica Jones.

Ang pelikula ay naglalantad sa katotohanan sa likod ng buhay fraternity gayundin ng matinding drama at mga aral sa buhay sa pamilya. Tungkol din ito sa katapangan na nagsisilbing wake up call laban sa hazing.

Isang napapanahong piyesa habang ang isang pamilya ay nagluluksa sa nakakabagbag-damdaming pagkawala ng isa pang kabataan dahil sa hazing sa Cavite, ang Neophyte 26 ay naglalahad ng isang nakagaganyak at emosyonal na kuwento mula sa panulat ni Charlotte Dianco (headwriter of Tadhana) at idinirehe ni Rommel Penesa (ng Black Rider at Lolong)

Bukod sa pagpapakita ng mga kagila-gilalas na nagaganap sa hazing naipakita rin ang romantic angle ng loveteam nina Derrick at Elle na sa totoo lang, may kilig talaga. Bagay na bagay sila sa screen, parehong maganda at gwapo. Sayang lang at nakulangan kami sa kilig scenes ng dalawa. Na dinig namin, gusto pa sanang dagdagan sana ni direk Rommel, ayaw na lamang ng producer.

Tila nag-focus sa hinagpis ng ina mula sa sinapit ng anak ang pelikula na talaga namang nakababagbag-damdamin kung hindi masyadong OA.

Nahusayan kami sa pagganap ni Jon na charismatic, makapangyarihan, at mapanganib. Lider ng fraternity na nagpakilala kay Ned (Derrick) sa kapatiran.

Ang Neophyte 26’ ay higit pa sa isang pelikula—ito ay isang tool na pang-edukasyon, isang social statement, at isang moral na pagtutuos.

Kasama rin sa pelikula sina Andrea del RosarioMosang, Lance Raymundo, at Maxine Trinidad.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …