Wednesday , June 24 2026
Enrique Gil Andrea Brillantes A Secret in Prague

Enrique suportado ng fans sa pakikipagtambal kay Andrea

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KOMPORTABLE, masaya, pamilya. Ito ang tiniyak ni Enrique Gil sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Bukod pa na isang romantic-comedy ang pagbabalik-seryeng pagbibidahan niya.

Nasunod ang lahat ng ito sa romantic-comedy series na A Secret in Prague na pagbibidahan nila ni Andrea Brillantes.

Masayang-masaya si Enrique sa kanyang pagbabalik-television via TV5 na first time niyang makakatrabaho si Andrea.

Dito ako in a way, nasanay, eh. So, to be back doing it and so with the new cast, of course, with a new partner.

“’Yung production team po na kinuha namin, ‘yung ating mga crew, mga direktor, ‘yung mga AD (assistant director), ‘yung mga pagdating sa camera, naka-work na po namin from the previous network. I grew up na kasama sila, so parang isang malaking reunion din po para sa akin ‘yun,” masayang wika ni Quen.

Gusto ko, pagbalik ko, parang good memories lang, happy ‘yung set, happy vibes, ‘yun talaga ang no. 1 na non-negotiable ko. Talagang I made sure na I felt comfortable lang, parang pamilya,” dagdag pa ng aktor.

At dahil bagong leading lady ang kapareha ni Quen kinamusta ito ng entertainment press.

It feels good, it feels okay and alright. Actually, before the loveteam, sanay na po ako na lagi po akong pine-pair sa lahat usually, eh. 

“So, sanay na rin po akong, you know, iba-iba ‘yung ano (kapareha).

“Pero medyo matagal lang kasi, eh, matagal bumalik ulit sa ganito.

“So, parang nag-full circle ‘yung buhay ko, parang back to how it was before.

“So, it’s very refreshing po,”  sabi pa ni Quen.

Isa pa sa ikinatuwa ni Enrique ay suportado siya ng kanyang fans para maka-loveteam, makatrabaho si Andrea.

Unang pagtatambal nga uto ng ultimate heartthrob na si Enrique at si Gen Z QueenAndrea. 

Gaganap si Enrique bilang si Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).   

Ang A Secret in Pragueay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at  idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria. 

Mapapanood ang A Secret in Prague mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng Frontline Pilipinasna magsisimula ngayong gabi, Abril 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …