Friday , May 17 2024

Blog Layout

3 salvage victims itinapon sa Antipolo

TATLONG bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Antipolo. Ayon sa pulisya, isa-isang natagpuan ang mga bangkay sa Brgy. Dela Paz at Zigzag Road, tapat ng El Dorado Subdivission, Brgy. San Jose sa lungsod. Ayon sa ulat ng Antipolo Public Safety Department, natagpuan ng mga residente ang mga biktima na nakabalot …

Read More »

Inakusahang rapist ng anak ama nagbigti

“MAY problema po kasi siya sa kanyang pamilya. Isa pa, pinagbintangan pa siya na  ni-rape daw n’ya ang kanyang anak na babae. Maaaring dinamdam niya ito kaya siya nagpakamatay.” Ito ang sinabi sa pulisya ng isang Rolando Lorenzo, 59, nagpakilalang bayaw ni Jerry Berja, 35, landscaper, natagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Hangga, Brgy. Longos, Malolos City …

Read More »

2 patay sa sunog sa Baguio City

BAGUIO CITY – Patay ang dalawa katao sa naganap na sunog dakong 3 p.m. kahapon sa Brgy. Brookside, Baguio City. Kinilala ang mga biktimang si Sharon Sabado, 33, at isang special child na hindi pa nakikilala. Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Department (BFP)-Baguio, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng nasabing bahay na yari sa kahoy hanggang sa …

Read More »

5 sugatan sa amok sa Bulacan

LIMA katao ang sugatan, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon, makaraan mag-amok ang isang lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa. Ang suspek na si Danilo Vellas ay pinagbabaril ang bawat makasalubong matapos makipag-away sa kanyang live-in partner na si Elaine Marian Conocido, ng San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay Conocido, binaril ni Vellas sa braso at hita, …

Read More »

Korean donations sa Manila kay Erap mapanganib

NAGBABALA at nanawagan ang isang concerned  group na mga mamamayan kay Manila Mayor Joseph Estrada na mag-ingat sa mga pambobola ng Koreans businessmen sa kanya at alok na libre o donasyon na mga  LED screens sa mga lamp post sa lungsod ng Maynila dahil sa posibleng mabigat na kapalit nito sa huli. Ang Global Gold Inc., ay nangako kay Estrada …

Read More »

Villar magbibigay ng karagdagang tulong sa apat pang lugar na apektado ng bagyong “Yolanda” sa Leyte

MAGBIBIGAY si Senator Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ng karagdagang tulong sa mga biktima ng super typhoon “Yolanda” sa Leyte, partikular ang mga magsasaka, mangingisda at ang kanilang pamilya. Makaraang bisitahin ang mga munisipalidad ng Dulag, Julita, Mayorga at Tanauan sa Leyte noong nakaraang buwan, magtutungo ngayon (January 16) si Villar sa Calubian, Tabango, Leyte  …

Read More »

PhilHealth, GOCCs gatasan ng top officials

KUNG napanood ninyo ang mga pelikulang BRAVEHEART at ROBINHOOD (2010) na tahasang nagpapakita ng pang-aabuso sa batayang masa ng monarkiya sa ngalan ng kanilang paniniwala at simbahan, ‘e ganyan-ganyan din po ang nangyayari ngayon kung paano tayo pinagsasamantalahan ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa ating bansa. Kung pagbabatayan ang ulat ng Commission on Audit (COA), mahihinuha natin na …

Read More »

Kaso vs Jerry Sy naibasura na?!

I SMELL something fishy … Mukhang maibabasura ang kaso laban sa isang Chinese national na nahulihan ng sandamakmak na baril, deadly weapon at shabu sa Pasay City? ‘Yan po ‘yung si JERRY SY na nanghabol ng saksak kay Joseph Ang. Walang kaso dahil hindi naman daw napatunayan na walang lisensiya ang nasabing mga baril dahil hindi ginawa ng mga imbestigador …

Read More »

‘Hudyo’ tutol sa pagsikat ni Osang

MAAARING hindi mabago ng kanyang runaway success sa Israel’s first “X Factor” competition ang kapalaran ni Filipina caregiver Rose Fostanes sa Jewish state. Inihayag ng Israeli official sa Agence France-Presse, na si Fostanes ay hindi mapahihintulutan na gamitin ang kanyang talent bilang professional singer sa Jewish state. “She can only work as a carer, according to the law,” inihayag ng …

Read More »