Thursday , June 4 2026

Gawing makulay ang mundo ayon kay Mader Ricky

101114 GRRMAGKAKASUNOD na bagyo ang ating dinanas. Natural at normal lang na makatagpo tayo ng mga bagay na magbibigay-ligaya at kulay sa ating mundo.

Tutok lang sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) para malaman kung ano-anong bagay ang dapat gawin para magliwanag ang ating mundo.

Unang ipakikita ni Mader ang iba-ibang kulay na maaaring i-apply sa buhok para maiba ang ating kaanyuan. Berde, asul, pula, pink o orange at maaari ring paghaluin ang mga ito, sabihin mo lang at ito ang gagawin sa buhok mo ng mga parlorista sa Gandang Ricky Reyes Salon. Tiyak na mangingiti ka na isang bagong ikaw ang tatambad sa’yong mga mata ‘pag tumingin ka sa salamin.

Problema rin ang mga sakit sa balat lalo’t papalit-palit ang panahon. Dadalhin tayo ng GRR TNT staff sa iba-ibang klinika na nagbibigay-lunas sa mga singaw, sugat at iba pang pangangati ng katawan.

Siyempre, masarap rumampa kapag ika’y nag-aangkin ng makinis o flawless na balat.

Para sa nakakasawang buhay, ipapayo ni Mader ang pagbabakasyon sa labas ng siyudad na akma sa bonding kasama ng pamilya at mga kaibigan. Isa sa mga dinarayo’y ang The Lake Hotel Tagaytay na masarap ang klima, puro berde ang kapaligiran at masasarap ang mga pagkain, sariwang gulay at prutas at pati na bakang-Batangas.

Kung trip ninyo ang isang oras ng makulay at napapanahong isyu, samahan si Mader RR tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …