Sunday , May 12 2024

Blog Layout

Manny Santos, dapat imbestigahan ng BIR

PAPASOK na rin daw sa eksena ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para busisiin ang yaman ng hari ng rice smuggling na si David Bangayan a.k.a. David Tan na sinasabing nagkakahalaga  ng  P6 bilyon. Sa ginanap na Se-nate committee on agriculture hearing kamakailan,  nabuko  na kasosyo pala ni Bangayan ang kapwa niya suspected smugglers na sina Eugene Pioquinto at Emmanuel …

Read More »

PNoy ‘di sisibakin si Alcala

MALABONG tanggalin ni Pangulong Noynoy Aquino itong si Agriculture Sec. Proceso Alcala gayundin ang kanyang tauhan si NFA boss Orlan Calayag dahil kabilang ito sa kanyang mga paborito at matalik na kaibigan sa kanyang inner circle. Tiyak na mababaluktot na naman ang sinasabi ni PNoy na “daang matuwid” sa isyu ng pag-graduate ni Alcala at Calayag dahil malinaw naman sa …

Read More »

‘Mission Accomplished’ sa Port of Cebu under Gen. Almadin!‘

PINATUNAYAN ni retired military general Roberto T. Almadin na siyang hinirang na district collector sa Port of Cebu ng “Purisima faction” ng administrasyong Noynoy Aquino ang kanyang tikas nang malampasan ang assigned collection target nitong nakaraang buwan ng Enero. Batay sa cash collection report ni kaibigang Radi Abarintos, hepe ng Collection Division at itinalaga ni Gen. Almadin bilang pansamantalang hepe …

Read More »

Vhong deretso sa korte mula sa ospital

MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay. Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van. Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery …

Read More »

10 Koreanong gambling lords arestado sa The Fort

Arestado ang 10 Koreano sa East Tower, One Serendra Condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig dahil sa ilegal na operasyon ng sugal, Martes ng umaga. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group Cyber Response Team (PNP-CRT), ang magkahiwalay na unit ng gusali at dinampot ang walong lalaki at dalawang babaeng Koreano, na nahaharap sa kasong …

Read More »

Genuine party-list isinulong (Ex-gov’t , PNP, AFP offcials ‘di na uubra)

UMAASA ang Makabayan bloc na matutuldukan na ang pang-aabuso ng mga ganid sa kapangyarihan at maging ang nabababoy na party-list system. Ayon kina representatives Neri Colmenares (Bayan Muna), Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan (Gabriela), Emmi de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (ACT-Teachers), Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Ridon (Kabataan), dapat matiyak na marginalized at under represented sector sa lipunan …

Read More »

4,234 bata ginahasa noong 2013

UMAKYAT ng 26 porsyento ang bilang ng mga insidente ng panggagahasa ng mga bata noong 2013, kompara noong 2012, ayon sa data ng Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management branch. Aabot sa 3,355 ang mga batang ginahasa noong 2012, samantalang pumatak sa 4,234 ang mga biktima noong 2013. Batay sa datos ng PNP-DIDM, tumaas din ang bilang …

Read More »

Pribatisasyon ng Orthopedic immoral — CBCP

MARIING tinutulan ng Simbahang Katoliko sa Filipinas ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center. Ayon kay Rev. Fr. Dan Cansino, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ang pagsasapribado ng orthopedic hospital ay labag sa “morals and quality of life” sapagkat mapipigilan nito ang mga may sakit lalo na ang mahihirap na makapagpagamot. Ang Philippine Orthopedic Center ay itinayo …

Read More »

25 pupils pinakain ng cellophane ng titser

INIREKLAMO ng mga magulang ng 25 pupils ang isang guro na nagpakain ng cellophane sa kanilang mga anak sa isang elementary school sa Agusan del Sur. Tiniyak ng Department of Education (Dep-Ed) – Agusan del Sur Division, na hindi palalampasin ang ginawa ng guro na si Camisi Marloe Baito ng San Luis Central Elementary School sa San Luis, Agusan del …

Read More »

Erpat tigbak sa tarak ng adik na anak

“PAPA  mahal mo ba ako?” Mga katagang sinambit ng 30-anyos anak sa kanyang sariling ama, bago pagsasaksakin hanggang mapatay sa harap ng kanyang ina kamakalawa ng hapon, sa Pasay City. Inakalang walang pagmamahal sa kanya kaya’t nagawang saksakin ng ilang ulit ni Alfredo Villavert, Jr., ang sariling amang si Alfredo Villavert, Sr., 64, ng 551 E. Rodriguez Ext., ng lungsod. …

Read More »