Tuesday , November 5 2024

May sayad umangkas sa gulong ng eroplano

110814 plane wheelARESTADO ang isang 23-anyos lalaki makaraan magtatatakbo sa tarmac ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at nagtangkang sumakay sa eroplanong papuntang Japan kahapon ng umaga.

Nagpakilala ang lalaki na si Don Alfredo Gutierrez mula sa Oriental Mindoro.

Dakong 7 a.m. nang makita si Gutierrez na nakalambitin sa unahang gulong ng Jetstar flight 3K763 habang papaalis ng Bay 9 patungong runway.

Nang mapansin ng airport police, lumipat siya sa hulihang gulong saka nagtatatakbo sa tarmac. Ngunit nahuli siya sa Bay 4 o east wing terminal airport.

Dahil sa insidente, naantala ang biyahe ng eroplano na paalis sana ng 6:55 a.m.

Dakong 9:20 a.m. na nakalipad pa-Japan makaraan halughugin at siguruhing walang pampasabog sa loob ng eroplano.

Nagdududa ang mga awtoridad na nagbabaliw-baliwan lang ang lalaki dahil sa paiba-iba niyang sagot at pahayag. Wala ring nakuhang ID mula sa kanya.

Iniimbestigahan na kung paano nakalusot sa seguridad ng paliparan ang lalaki na nakapasok pa sa tarmac area.

GMG

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *