Friday , May 3 2024

Blog Layout

Sanggol, utol ‘nalitson’ sa ceiling fan

NAMATAY ang isang sanggol na lalaki at 4-anyos niyang kuya nang matupok ang kanilang bahay dahil sa nag-overheat na ceilign fan sa Sibonga, Cebu kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Ezekiel Gab Sarnillo, 4-anyos, at Philip Hanz, isang taon gulang. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. nang maganap ang sunog sa bahay ng pamilya Sarnillo sa …

Read More »

Tuyo’t itlog inisnab nina Bong at Jinggoy

HINDI ginalaw nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla, Jr., ang inihain sa kanilang tuyo at itlog bilang almusal kahapon ng umaga. Ayon sa dalawang senador, marami silang pagkain dahil ang bawat dumadalaw sa kanila ay may dalang pagkain. Sa katunayan, binibigyan ng dalawang senador ng kanilang mga pagkain ang iba pang mga detainee sa loob ng Custodial Center. …

Read More »

PNP kasado na sa hospital arrest ni Enrile

NAKAHANDA na ang PNP General Hospital sakaling i-hospital arrest si Senator Juan Ponce Enrile. Sakaling mapagbigyan ang kahilingang hospital o house arrest ni Enrile, posibleng dalhin pa rin siya sa Kampo Crame para isailalim sa booking process. Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, kahit hindi ibigay sa kanila ng korte ang kustodiya kay Enrile kapag nadakip o …

Read More »

Price hike ‘palaisipan’ kay PNoy

AMINADO si Pangulong Benigno Aquino III na siya mismo’y nagtataka sa tunay na dahilan nang paglobo ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaya paiimbestigahan niya ito. “Ang daming debate… ‘Yung output dahil sa ‘Yolanda’, ‘Santi,’ and others, ano ba ang epekto talaga no’n? ‘Yung laban natin, laban sa Spratlys, ay nagpapataas ng presyo? We need definitive answers,” ayon sa Pangulo …

Read More »

Erap praning na — Palasyo (Admin itinuro sa oust move)

WALANG kinalaman ang Palasyo sa disqualification case sa Supreme Court na mistulang multong kinatatakutan ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ito ang bwelta ng Malacañang sa akusasyon ni Estrada na ang Palasyo ang nasa likod ng kinakaharap niyang disqualification case at nagbabala na lalaban kapag pinatalsik muli sa pwesto. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, …

Read More »

20 minors inabuso Aussie arestado

DINAKIP ang isang Australian national dahil sa pang-aabuso sa 20 menor de edad sa isang resort sa Cordova, Cebu. Kinilala ang 50-anyos suspek na si Peter James Robinson, isang mechanical engineer sa Australia. Nabisto ang pang-aabuso ng suspek nang magsumbong sa Municipal Social Welfare Department ang isa sa mga biktima. Sa salaysay ng biktima, pinasasayaw sila nang hubo’t hubad habang …

Read More »

‘Rice smuggler’ kasuhan ng perjury (Rekomendasyon ng DoJ)

PINASASAMPAHAN ng Department of Justice (DoJ) ng kasong perjury ang hinihinalang big time rice smuggler na si Davidson Bangayan. Sa resolusyong pirmado ni Prosecutor General Claro Arellano, nakasaad na may sapat na batayan o probable cause para sampahan ng kasong perjury o paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code, si Bangayan. Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng Senate …

Read More »

Live coverage sa pork barrel cases ibinasura

IBINASURA ng Sandiganbayan ang mga kahilingan para sa live media coverage ng court proceedings sa pork barrel cases. Ang abiso ay inilabas, isang araw bago ang nakatakdang arraignment ng Sandiganbayan 1st division ngayong araw sa plunder case ni Sen. Bong Revilla at iba pang akusado. Ayon kay Atty. Renato Bocar, 20 mahigit na tao lamang ang maaaring ma-accomodate sa loob …

Read More »

Alcala inasunto ng plunder

NAHAHARAP sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman si Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay sa pork barrel fund scam. Ayon sa grupong Youth Act Now, hindi dapat matapos sa pagsasampa ng kaso kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang pork barrel scam. Giit ng grupo, hindi maaaring makaligtas sa kaso ang mga katulad ni Alcala, …

Read More »

Most wanted sa Baliuag arestado

NAARESTO ng mga operatiba ang isang lalaki na malaon nang pinaghahanap ng batas dahil sa sapin-saping mga kaso sa Baliuag, Bulacan. Sa ulat ni Supt. Enrico Vargas, Baliuag Police chief, kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan acting police director, ang suspek ay kinilalang si Edilberto Santos, 47-anyos.  Batay sa ulat, si Santos ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Regional …

Read More »