Wednesday , June 24 2026

3 tulak huling nagre-repack ng shabu

LAOAG CITY – Naging positibo ang operasyong ng mga kasapi ng Philippine National Police sa Lungsod ng Laoag laban sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Naaktohan ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Mark Bryan Jacinto alyas Pagi, 32; Andres Medrano alyas Chavit, 32; Wilbert Aquino alyas Gilbert, 32, pawang ng Laoag City, habang nagre-repack ng shabu sa bahay ng isa sa mga suspek.

Sa naturang operasyon ay nakuha mula kay Jacinto ang tatlong malalaking sachet ng hinihinalang shabu at isa pang sachet ng  shabu ang nakuha kay Medrano at dalawa kay Aquino.

Ayon kay S/Supt. Jeffrey Gorospe, chief of police ng PNP Laoag, si Aquino ay pangpito sa top 10 drug personalities sa Lungsod ng Laoag at matagal na nilang minamanmanan ang ilegal na aktibidad.

Naniniwala ang opisyal na kararating lamang ng suplay na droga ng mga suspek kaya’t nadatnan sila ng mga pulis na nagre-repak sa bahay ni Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …